Reporting

188 13 0
                                    

Tristan's POV

"Mommy nakakahiya! Si Scarlet po kaklase ko." may diing sabi ko kay mommy na naka salampak pa rin sa sahig matapos mag walling. Tsk! Minsan talaga hindi ko mahulaan ang trip ng nanay ko.

"Ha?" si mommy na nagugulat. Mabilis siyang napa tayo at mabilis na inayos ang sarili. "A-Akala ko kasi." napapahiya siyang natawa napapakamot sa noo. "Sorry Tan-tan." sabi ni mommy na napapahiya. Nakanguso siyang lumapit sa akin saka ako niyakap. "Ihh I thought kasi nandito siya dahil buntis siya. Medyo advanced lang mag-isip." MEDYO? Napabuntong hininga nalang ako saka nahihiyang humarap kay Scarlet na pulang-pula na. Halatang pigil ang pagtawa.

"Ahm Scarlet, Sharlene Dele Cruz, mommy ko." pagpapakilala ko kay mommy na nakangiti na ngayon sa kasama ko. "Ma, si Scarlet Rose Valdez. Kaklase ko po." pakilala ko kay Scarlet.

"'Nak? You sure hindi mo siya nobya?"

"Mommy!"

"Okay okay, ito naman masyadong defensive." natatawang sabi niya pa bago hinarap si Scarlet. "Hi Scarlet hija, I'm Sharlene, Tristan's Mom. Nice meeting you hija." si mommy na nakipag beso kay Scarlet.

"Nice meeting you too tita." si Scarlet.

"Nasaan si Sammy, Ma?" tanong ko nang hindi makita sa salas ang kapatid ko.

"Nasa kwarto niya siguro." sabi ni mommy. "Sa kusina lang ako 'nak, hija. Nagluluto kasi ako nang dumating kayo." paalam ni mommy na nakangiti pa rin.

"Okay po." si Scarlet na bumalik na sa pagkakaupo sa sofa.

"Sige tawagin niyo nalang ako if you need anything else, okay? And hija dito kana kumain."

"Ahm okay lang po..."

"Sorry hija, I don't take no for an answer. Dito kana kumain okay? Promise sasarapan ko yung chicken adobong niluluto ko. Sa kusina na muna ako." sabi ni mommy tapos ay naglakad na patungo sa kusina.

Ako naman ay nahihiyang napa-upo sa pag-isahang sofa at nahihiyang humarap kay Scarlet na malawak ang ngiting nakatingin sa pinasukang pinto ni mommy. "Sorry sa mommy ko ha." paumanhin ko.

"No, It's okay. Ang cute nyo nga eh, nakakainggit." nakangiting sabi niya.

"Minsan talaga hindi ko malaman ang trip niyang si Mommy, pero love ko naman kaya okay na rin." napapakamot sa batok na sabi ko. "Ahm can you wait here for a sec?" nahihiyang tanong ko. "Ahmm I ahmm... I have to clean up." napahinto ako kasi malakas na siyang tumatawa. I'm pretty sure pulang-pula na ako ngayon. "And pupuntahan ko lang yung kapatid ko sa kwarto niya." nahihiya pang dagdag ko.

Iwinagayway niya ang isang kamay na sinasabing alis na. "Go." sabi niya malawak pa rin ang ngiti sa labi.

So I did. Pumasok muna ako sa kwarto ko para maligo at paglabas ko inilabas kona yung mga pwede naming gamitin para sa reporting. Then Pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko. She was reading something.

"Hi baby Sam. Kuya's home. Ano yang binabasa mo baby?" masiglang sabi ko bago inusisa ang binabasa niyang libro. "Is that a dictionary?" takang tanong ko saka siya hinalikan sa pisngi.

Tumango lang yung kapatid ko, hindi pa rin inaalis ang tingin sa binabasa. "Hmm." ayan na yung sagot niya. Okay sabi ko nga.

"Baby Sam tinitipid mo ba yung salita mo? Mauubos ba 'yan kung sasagutin mo ako?" kunot nuong tanong ko sa kapatid ko.

Napabuntong hininga siya bago ako binalingan nang tingin. Hay, Finally!

My Girlfriend is a MafiaWhere stories live. Discover now