[LIAM]
Busy ako sa mga papeles dito sa office ko ng bigla nalang pumasok bigla si Zj
"Hello din sayo, di yata uso sayo kumatok no?" Sarcastic kong sabi
Padabog na umupo ito sa harap ko at kinuha ang sandwich para sakin na nasa lamesa
"Aba! Wala ka talagang respeto! Bakit ka ba nandito?" Nakasimangot kong tanong
Tang ina, yung snack ko nawala pa
"Kilala mo si Marielle diba?"
Napaisip naman ako, daming Marielle sa mundo..
"Wala naman, wala din akong ex na may ganong pangalan e" binaba nito yung sandwich at tumingin sakin
"Si Keegan, yung pinsan ni Mich" nanlaki naman ang mata ko ng magets ko na
"Oh! Yung pinsan ni Baby Loves, di ko kasi nahingi name niya kahapon, ang alam ko lang pinsan sila, bakit crush mo?" May halong tukso ko
"Tsk, hindi ko crush yon. Ang putla putla, maganda nga maputla naman" nakasimagot na pagdescribe nito pero iba naman ang tono ng pananalita
"Ah, pero maganda siya?" Panghuhuli ko sa kanya
"Oo, medyo tanga nga lang din e"
hirap magpigil ng tawa, seryoso si Kuya Zj niyo
"So di mo nga crush?"
Hindi kita tatantanan!
"Cru-- teka! Ako ba ginagago mo?! Hindi ako magkakacrush don no!" Natatawa na kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito
"Hello"
"Sesend ko ngayon sayo. Basta ha? Andito siya, gusto mo kausapin?" Napatingin naman ako kay Zj na nakataas ang kilay sakin.
Curious na siya oh
"Ayaw mo? Tsk sayang. Sige na bye Kee" pagkababa ko ay nakatitig pa rin sakin si Zj
"Sino si Kee?"
"Ah yung maganda na maputla na tatanga tanga base sa sinabi mo" nagulat ako ng bigla itong tumayo at lumapit sakin
"at bakit ka ba niya tinawagan?" Pabebe tong hayop na to, halata namang interesado
"May hiningi lang, umalis ka na nga dito" pagtataboy ko sa kanya, sinend ko na din kanina ang hinihingi ni Kee, pero syempre tutulungan natin ang pabebeng ito
"Ah Zj, sorry to say this, pero nangangailangan ng Surgekn sa Gomez Hospital, at dahil ikaw lang ang walang ginagawa, ikaw ang pansamantalang lilipat don"
"At sa pagkakaalam ko naka leave ako" sumeryoso ako at sumandal sa upuan ko
"Well, pinuputol ko na ang leave mo. Magreport kana sa Lunes doon" tahimik na lumabas ng office ko si Zj, pagkalabas niya ay tinawagan ko si Tito Isamael para sabihin na napapayag ko na si Zj. Totoo naman na kulang sila doon ng doctor e.
Akala nito sakin, sinungaling?
Slight lang naman.
__________
[KEEGAN]
"Kee naman, hinahayaan kita kasi sabi mo ayaw mo maramdaman na nakakulong ka sa Hospital, pero wag mo abusin yang katawan mo at ang kabaitan ko"
tahimik lang ako na nakaupo sa kama ko while sermon ng sermon si Mich
"Ngayon, dahil nakadextrose ka, dito ka lang. Di mo alam kung gaano ako kinabahan ng gabing yon"