[KEEGAN]
Wala ngayon si Mich dahil sa seminar sa Cebu. Nalaman ko ding pupunta don si Liam na tuwang tuwa dahil magchecheck-in na daw sila ay saktong isang room nalang ang available, binalaan ko lang siya na wag gagapangin ang pinsan ko.
Paakyat ako ngayon sa rooftop, dito ako tatambay, di muna ako lalabas at nakakatrauma yung nangyare last time. Bababa naman ako mamaya bago mag 8am.
Maganda dito sa taas, kasing ganda ko hahaha. Kita ko ang ibang building, natural, nasa rooftop nga diba?
lumapit ako sa railings at tumingin sa baba
"Woah! Ang taas, para lang lumilipad" sabay taas ko sa dalawang kamay na tila lumilipad.
Ang lakas pa ng hangin
"Lilipad ka talaga pagnahulog ka diyan, yung nga lang... pababa"
Naibaba ko ang kamay at napahawak sa railings dahil sa gulat. Masama ang tingin na lumingon ako sa likod.
Naroon at nakaupo ito habang may hawak na libro. Nakatingin siya sakin na parang ewan.
"Ikaw kaya ihulog ko diyan? Pano lilipad kung pababa? Tsk" pasigaw kong sabi, umiwas ito ng tingin at tumayo
"Ewan, i-analyze mo. Bakit ka rin ba naka-angil sakin? I already said I'm sorry, tyaka kasalanan mo naman" napairap naman ako, kakaiba magsorry si Kuya niyo, may dagdag na pagblablame. Hanep!
Edi wow.
"Sa susunod, kausapin mo nalang ako sa text, at least don kahit medyo cold ka okay pa. The cold never bothered me anyway" pagkanta ko at naghair flip.\
Nang hindi makakuha ng reaction dito ay hindi ko na siya pinansin at tumungtong na lang sa may sementadong part para mas makita ang nasa ilalim ng building.
Basag siguro bungo ko pagnalalag ako, imagine my beautiful face na puro dugo...
"Ayoko maging witness pag nahulog ka diyan"
Ay nandito pa pala siya.
"Mas okay ng mahulog sa building kaysa ...sayo" bulong nalang yung last, baka lumaki ulo nung isa tapos mauuwi sa panglalait ulit.
Tyaka galit tayo sa kanya.
"May pabulong bulong ka pa diyan, bumaba na tayo, hinahanap ka ni Dr. Robert"
Nakaisip naman ako bigla ng pangbawi sa pagkajerk niya. Mula sa kinatatayuan ay kunwari akong napatid.
"Ahhhhhhhhh"
Hindi naman ako nabigo dahil naramdaman ko nalang bigla ang mga braso na sumalo sakin. Nang tignan ko sa siya ay nasa mukha nito ang pag-aalala na napalitan ng pagka-inis.
"I told you! Tatanga tanga ka talaga! Kung nahulog ka diyan didiretso ka ng morge!" Sigaw nito sakin.
Tawa ako ng tawa. Shit pwede na kong prankters
"Stop laughing! Walang nakakatawa"
"Una, pagnahulog ako diyan, hindi sa morge ang diretso ko, kundi sa semento---Aray! Ang sakit non ha"
Binitawan lang naman ako ng kuya niyo. Ang sakit ng pwet ko!
"Pilosopo! Sa susunod wag kang pasaway, pumasok kana" inirapan ko lang siya at ng tumalikod na ay umakma akong susuntukin siya
"Gago yun, sasaluhin ka tas bigla ka ding ihuhulog mag-isa"
teka bakit tunog hugot yon?
"Ano tatayo ka lang diyan?" nakita ko siyang nasa loob ng elevator at hinihintay ako