JERSEY

9.3K 209 12
                                    

"What the hell..." wala sa sariling bulong ko habang nakatitig sa litrato. Nanginginig na rin ang kamay ko at parang nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na panghihina.

Parang bigla akong nawala sa kasalukuyan at hinigop ng litrato. Biglang-bigla, para na akong nasa isang palabas.

Ako na ang nakasuot ng wedding dress at masayang nakayakap kay Errol.

Pero bigla ko ring na-realized kung bakit nauwi sa ganoon ang pagiisip ko.

I am jealous. I want to be in that 'girl's' shoes.

Sa sulok ng puso ko ay umasam ako na sana, ako na lang ang babaeng nakasuot ng wedding dress.

"Shocking isn't it?" basag ni Erwan at siyang nakapagpabalik ng kamalayan ko sa kasalukuyan.

Napakurap-kurap ako at napatingin kay Erwan. "I... ugh..."

"You look exactly like her. So much alike as if you are her." malamig na putol ni Erwan at tinitigan ako ng husto na parang gustong silipin ultimong kaluluwa ko.

Napatingin ako sa litrato at napalunok. "S-sino siya?" kinakabahang tanong ko.

Mayroong nabubuong hinala sa isip ko pero mas gusto kong marinig ang kumpirmasyon.

"She's Errol's dead wife. At ito lang ang naisip kong dahilan para pakasalan niya ang isang 'Bold Star'." may halong panlilibak na sagot ni Erwan.

Sanay na ako sa mga mapangusig na taong tulad ni Erwan pero sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng sakit. Ang akala ko, okay lang ako pero hindi pala. Hindi pala okay na makarinig ng ganito kung nai-involve si Errol.

It broke my heart...

"Errol loves Jersey so much. Kahit apat na taon nang patay ang asawa niya ay nanatili ang pagmamahal na iyon. Ni hindi niya pinagbigyan ang kahilingan kong subukan niyang i-date ang anak ng kaibigan kong si Hariette. Ang buo kong akala ay okay na siya dahil ibinalita niyang kasal na siya. Now I understand why. Nakahanap siya ng babaeng... well... sa tingin ko ay gusto niyang buhayin ang asawa niya sa'yo."

Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako ng sobra. Pakiramdam ko, ginamit lang ako ni Errol.

Bigla kong naalala ang una naming pagtagpo. He was stunned seeing me. Lagi ko rin siyang nahuhuling nakatitig sa akin.

Ang mga lungkot niya sa mga mata. Sigurado na ako na ang asawa niya ang dahilan.

And the way he fuck me. Habang nakikipagniig ba si Errol sa akin ay asawang si Jersey ba ang iniisip niyang katalik? Sa tuwing hinahalikan niya ako, si Jersey ba ang naiisip niya?

Paano ako? Nasaan si Erica sa buhay ni Errol?

I am just his contract wife...

Binalot ng pait ang puso ko. Parang nalasahan ko pa at namasa ang mga mata ko.

Hey. Ano ito? Hindi ba't mayroon kang clear resolve? 100, 000 salary ang dahilan kung bakit ka pumayag na magpakasal kay Errol. Wala kang pakialam sa kung anumang dahilan niya.

You want to put up your own cosmetic business, right? Iyon dapat ang isipin mo. Hindi ka dapat nakakaramdam ng hinanakit.

Alin? Binigyan ka lang ng mind blowing fuck ni Errol, na-in love ka na? Hello? Kailan pa nagkaroon ng puso ang petchay mo?

Paulit-ulit kong pinaalalahanan ang sarili ko. Kahit na samu't sarin panlilibak na ang pinakakawalan ni Erwan, hindi ko na pinakinggan.

I just shut my mouth and compose myself.

"Are you done? Can I go back now?" agaw ko sa walang tigil na litanya ni Erwan. Pambihira rin ang pangiinsulto niya sa pagiging Bold Star ko. Unlimited.

Puwes. Ako ay limited lang ang pasensya. Wala akong panahong pakinggan ang mga nonsensical remarks niya sa akin.

Natameme si Erwan. He was stunned. Pero nang makabawi ay natawa nang malakas. "You amazed me. You have this gall, really."

Doon naman bumukas ang pinto at iniluwa si Errol. Agad niya akong nilapitan. Mayroong pagaalala sa mga mata niya.

"Are you okay?" alalang tanong niya at napatingin sa hawak kong picture. Bigla siyang namutla hanggang sa namula rin ang mukha nang makabawi. Hinablot niya ang picture saka pabagsak na inilapag iyon sa mesa saka hinarap si Erwan.

"What's the meaning of this?" nagtitimping tanong ni Errol.

Nakaramdam ako ng tensyon. Kinabahan ako sa nabubuong away sa pagitan ng magkapatid.

"Well, I just told her about Jersey." balewalang sagot ni Erwan.

Nanggalaiti si Errol. Kitang-kita kong nagiigtingan ang panga niya at namumula ang mga tainga.

"You don't have any rights to do that." giit ni Errol at hinawakan ang kamay ko. "Let's go. I don't think we still have a reason to stay here."

Hinila na ako papuntang pinto ni Errol pero pinigilan kami ni Erwan.

"Nakalimutan mo na bang death anniversary ni Jersey bukas? Hindi ka ba pupunta kina tito Jerry?" tanong ni Erwan.

Humigpit ang hawak ni Errol sa kamay ko. Saglit siyang natigilan hanggang sa pinili niyang huwag sumagot at lumabas na lang habang hila-hila ako.

Sa kuwarto kami pumasok. Hinila ko na ang kamay ko at dumiretso ako sa terrace ng kwarto. Parang nasu-suffocate ako. Ang daming tumatakbo rin sa ulo ko at naguguluhan na ako sa mga nangyayari. I want to breathe...

"Erica..." malumanay na tawag sa akin ni Errol.

Hindi ako lumingon. Nakaharap pa rin ako sa mga tanawin sa terrace at nakahalukipkip. Maski si Errol ay hindi ko bet na makaharap.

Tumabi sa akin si Errol at huminga ng malalim.

"I'm sorry. I tried to tell you many times but in the end I didn't... I didn't know how to tell you about Jersey. Natatakot ako kung ano ang iisipin mo at magiging reaction." apologetic niyang amin. Ramdam ko ang bigat sa tono niya na dumurog sa puso ko.

Kahit pagsabihan ko ang puso ko na huwag mag-react, nag-react pa rin. Nasaktan kahit walang karapatan.

Ah, dahil na rin siguro nakasama sa loob ko na hindi ko narinig ang mga iyon kay Errol. Masakit na narinig ko pa iyon kay Erwan.

"Leave me alone." malamig kong saad. Nakatingin pa rin ako sa malayo. Hindi ko magawang salubungin ang mga tingin ni Errol.

Napabuntong hininga si Errol. "Okay." malungkot niyang sagot at iniwanan na ako.

Bigla kong nasapo ang mukha ko at naiyak sa mga palad.

Shit naman. Ang sakit-sakit.

Nagkakalintikan na ang puso ko at utak. Naapektuhan na talaga sa mga ganap...

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Where stories live. Discover now