YOU AND ME

7.6K 186 10
                                    

"Where is Erwan?" tanong ko kay Alvin pagkababa ng sasakyan. Mukhang hinihintay niya talaga ako dahil nasa front door na siya pagdating ko. Biglang bumigat ang dibdib ko. I feel the sudden change of ambiance. Ramdam ko na hindi maganda ang mangyayari. Pero kahit na ganoon ang nararamdaman ko ay pinili kong maging positibo at focused. I will not let these emotions stop me from putting everything into places.

"Follow me, sir." Sagot ni Alvin at nagpaunang pumasok sa bahay. Sumunod din si Bruno sa akin. Pare-pareho kaming tahimik na pumasok. Tumigil lang kami nang matapat sa pinto ng study room ni Erwan. "He's inside waiting for you." Sabi ni Alvin.

Tumango ako at hinawakan ang doorknob. Pipihitin ko na sana iyon nang pigilan ako ni Alvin.

Marahan siyang umiling. Mayroong babala sa mga mata niya. "He's not in the mood."

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Just a simple advice, sir. Simply follow what he wants. Stop his madness. You don't want to see him so angry." Malayong sagot ni Alvin.

Alvin have been so loyal to my brother. Kaya naiintindihan ko ang concern niya at hindi minasama ang advice niya. Dekada na ang itinagal ni Alvin sa paninilbihan sa kapatid ko. Maraming beses na ring tinangkang kidnap-in si Alvin pero hindi nagtatagumpay ang masasamang loob dahil sa kanya. Bilang bodyguard, maraming beses niyang ibinuwis ang buhay para sa kapatid ko kagaya ni Bruno sa akin.

"Thank you but I will decide on that." Sagot ko at tuluyang pumasok.

Bumungad sa akin si Erwan na madilim ang mukha. Nakaupo siya sa swivel chair sa likod ng malaki at mahabang antique office table. Our gazes locked, I instantly felt his wrath. Pinili kong maging kalmado sa kabila nang nagbabadyang gulo.

"Harriette and his father is coming. You have to see them." Malamig niyang panimula.

Lihim akong napabuntong hininga. "Hanggang ngayon ba ay gusto mo pa rin akong gawin ang gusto mo?"

"Marry her so our venture would be finally over!" giit niya.

Nagiinit na ang ulo ko pero nagpigil pa rin ako. "Look, I am already married. Why don't you marry Harriette instead? Kaibigan mo naman ang tatay niya. Sigurado akong magugustuhan ka niya para sa anak niya—"

"No! It's you who I want to get married!" singhal niya at binayo ang mesa. Napatayo na si Erwan at dinuro ako. "What? You are still sticking to this bitch? Akala mo ba ay hindi nakarating sa akin na nagkabalikan kayo? Why, Errol? Why Erica? She's nothing! Why don't you choose Harriette? She could be a big help to our company! She's the heiress of Golden Life Inc.—the number one insurance company not only in the US but in the entire world! You are refusing a beautiful woman like her?"

"I love Erica!" singhal ko. Tuluyan na akong sumabog. Umaasa ako na maiintindihan na niya ako sa pagkakataon ngayon. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili bago ulit nagsalita. "I fall for her, Erwan. Please, accept that."

Dismayadong napailing si Erwan. Pulang-pula ang mukha sa sobrang gigil. "There's no way I will accept her. She's a leech!"

"Magingat ka sa sinasabi mo, Erwan!" nagtitimping sabi ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa sobrang galit. Of all people, kay Erwan ko pa narinig ang mga bagay na ito at nakakasama iyon ng loob.

"Hindi mo siya mahal! Nakikita mo lang si Jersey sa kanya!" singhal ni Erwan.

"Mahal ko siya at walang kinalaman dito si Jersey!" ganti ko. Parehong taas baba ang dibdib namin ni Erwan. Pareho kaming nagpupuyos na ang kalooban. Pareho na kaming nagiinit sa bangayan. Ayokong umabot kami sa ganito pero hindi ako makakapayag na pagsabihan niya pa ng hindi magandang salita si Erica.

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Where stories live. Discover now