Move on

318 16 0
                                    

"Punyeta! Punyeta!" Nangigigil ako sa inis dahil na snatch ang wallet ko, at ngayon ay maglalakad ako papunta sa apartment ng pinsan ko na sa kamalas-malasan ay napakalayo ata sa bayan. Pawis na ako at napaka-bigat pa ng maletang hila-hila ko. Umupo muna ako sa gilid at uminom ng tubig, tinignan ko ang cellphone ko at ang oras ay alas dose, kumukulo nadin ang tiyan ko. Wala akong perang pambili.

"Asan ba kase ang McKinley St. nayan o?" Naiinis na sambit ko, wala si Sienna sa apartment niya dahil honeymoon nila ngayon ng asawa niyang si Marco. Susi lang ng apartment ang meron ako at hindi ko siya pwedeng tawagan dahil malamang sa malamang ay nagmimilagro silang dalawa ngayon.

"Miss can you tell me where McKinley St. is? Tanong ng isang mestisong naka-shades sa kaniya. Gwapo ito at sa tantiya niya'y daks din ito. Fitted beach shorts ba naman ang suot. Tiningala niya ito pero hindi niya masyadong natitigan dahil sa sikat ng araw.

"Hindi ko alam pero doon din ako papunta e." Sagot ko tsaka ko narealize na dapat pala ay ingles dahil foreigner siya. Napakamot nalang ako ng pumara siya ng taxi at umalis na. Walang modo din pala ang loko ni hindi nag-thank you sa akin.

"Maligaw ka sanang putang-inang lalaki ka. Pare-pareho lang kayo." At umiyak na naman si Ella. Iniwan siya ng ex niyang si Max dahil hindi raw siya kasama sa mga life choices nito. Apaka gago ng damuho kaya't heto si Ella sa Baguio at mag-mo-move on at kung bakit sa Baguio ay hindi niya alam.

"Peste lahat ng gwapo manloloko. Nyeta!" Sigaw niya bigla naman siyang binato ng candy ng dumaang naka-bike. Pagpulot niya ay Max menthol ito.

"Bwisit! Talaga naman o." Maktol niya. Hindi yata talaga siya lulubayan ng alaala ni Max.

Our timeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora