Apartment

200 13 0
                                    

Adam

"Where exactly is that place Mac?"I said to myself as I tapped on my phone to locate my bestfriend's apartment here in Baguio. He's on his honeymoon and gave me the key so I decided to go and have a peaceful time for myself, away from my stressful work as a photographer for awhile. Gladly, my editor-in-chief granted my vacation leave.

I saw a woman on the side of the road with her luggage and I approached her to ask for directions.

"Hindi ko alam pero doon din ako papunta e." So she doesn't know. I just hailed a cab and left her there. After 20 minutes I arrived at the apartment. I didn't know that Mac lived in a house with peach colored walls. Sienna dominated the house I can say.

"He's so whipped." I just unpacked all my things and took a shower. Vacation at last.

Normella

"Miriam oo nga nanakawan ako. Tinawagan ko na ang bangko ko wag kang mag-alala pero wala talaga akong perang naitabi. Nasa gilid ako ng kalsada ngayon. Malapit nadin ako sa apartment. Okay lang ako sige salamat." Pagkatapos kong tawagan si Miriam ay sumalampak ako sa gilid. Nawawala na yata talaga ako puro pine tree na ang nakikita ko. Gusto ko na namang umiyak.

"Pesteng buhay naman o! Malas malas mo naman Ella." Niyakap ko ang dalawang tuhod ko. Paano kapag aabutin ako ng gabi dito? Kukunin ako ng sindikato at pipira-pirasohin, magagahasa ako. Oh my god! Virgin pa ako! Sayang ako... my precious sexy body.

"Waah! Gusto ko pang mabuhay!" Napasigaw ako ng may tumapik sa akin. Tumigil pala ang isang pick-up truck sa tapat ko. May mga crates ng gulay ito. Isang matandang lalaki ang nakatingin sa akin ngayon.

"Iha saan ka ba pupunta?" Mukha namang mabait si Manong pero ayaw kong maging chop-chop lady kung sakali.

"Wag niyo po akong gawing sisig, Manong." Tumawa naman ito sa sinabi ko.

"Neng mukha kasing nawawala ka. Gusto lang kitang tulungan hindi kita gagawing pulutan." Nag-sign of the cross ako. Lord sana po mabait si Manong. Gusto ko pang maranasan ang luto niyo, Lord. Ipa-experience niyo po muna sa akin bago niyo ako kunin.

"Nagdadasal ka ba iha?" Kakamot-kamot na si Manong. Umayos na ako ng tayo at hinila ang maleta ko. Bahala na sasama na ako dito kay Manong. Mukha naman siyang harmless.

"Sige po manong sasama ako sa inyo. Naliligaw na po kase akong talaga." Inilagay niya sa likod ang maleta ko. Pumasok na ako sa sasakyan niya at nakita ang naka-sticker na picture ng isang pamilya.

"Sa tingin ko'y kaedad mo ang panganay ko iha. Ako si Nestor. Tatay Nestor nalang." Tinanggap ko ang kamay ni Tatay Nestor. Mukhang mabait siyang tao, palangiti din siya. Buong biyahe namin ay kinukwento niya ang pamilya niya.

"Sa susunod ingatan mo ang gamit mo iha. Maraming mga mandurukot sa lugar na iyon kaya dapat ay doble ingat ka. O siya ito na ang McKinley mag-iingat ka." Tinulungan niya akong ibaba ang maleta ko tapos siya'y nagpaalam na. May maganda paring nangyari sa akin ngayong araw na ito. Natanaw ko na ang apartment ni Sienna. Sa wakas makakapagpahinga na ako.

Our timeWhere stories live. Discover now