Mr.Wright?

154 12 0
                                    

Normella

Natatawa ako sa itsura ni Adam sa jeep ngayon, hindi siya mapakali sa tabi ko. Lahat kase ng pasahero nakatingin sa kaniya, gwapo naman kase.

"They're all looking at me." Bulong niya sakin, may mga estudyante pa ngang parang inasinan habang tinitignan si Adam at ang bading na katabi nito'y talagang nakatitig at gustong matawa ni Ella dahil namumutla na ang katabi.

"Gwapo mo kase, penge bente." Tinignan ako nito ng masama, akala ata niya inuuto ko siya.

"Pamasahe natin." Inabot na nito ang wallet niya sakin, bigla namang tinignan ako ng masama ng mga tao. 

"Hala, holdaper. Manong may holdaper po!" Sigaw ng dalawang daliginding sabay turo sakin, aba judgemental ang mga to ha! Bigla namang hininto ng driver ang jeep.
"Baba na Miss kung ayaw mong kuyugin ng mga pasahero." Nanlulumo akong bumaba, sumunod naman si Adam sa akin. Mukha pala akong magnanakaw? Lumingon naman ako sa mga pasahero at ngumiti.

"Mukha lang akong holdaper pero mas mayaman pa ko sa inyo, mga panget." At tumalikod ako ng with poise, masyado silang epal sa buhay ko.

"Sorry Normella." Hinila ko nalang ito at naglakad kami, mahirap palang kasama ang sobrang gwapo napagkakamalan kang holdaper.

"Yaan mo na bwisit ka kase." Hanggang sa matanaw ko na yung may sign na to Wright Park. Hinila ko siya at dali-daling naglakad papunta roon.

Habang naglalakad kami ay busy naman siya na kumukuha ng litrato

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Habang naglalakad kami ay busy naman siya na kumukuha ng litrato. Umupo siya sa isang bench at tinignan ang mga nakuhanan niya, tumabi na din ako.

"Adam...uy Adam..." Kinalabit ko siya, bored na ako e.

"What?" Nakakunot-noong tanong nito sakin pero ngumit lang naman ako.

"Knock...knock..." Tinaasan pa ako nito ng kilay, pero nag knock knock padin ako sa balikat niya kahit di niya ako tinitignan.

"Who's there then?" Hindi na ako nito nilingon at nagpatuloy nalang sa pagtingin ng mga pictures.

"Wright..." Tinignan lang niya ako. Napaka-KJ ni Adamonyo.

"Sabihin mo Wright who, dali na..." Pagpilit ko sa kaniya, dahil maganda nga kase ang knock knock joke ko.

"Okay, Wright who?" Nakasimangot na sabi niya. Huminga naman ako ng malalim at inihanda ang joke ko.

"Ikaw na ba si Mr.Wright...ikaw na ba love of my life..." Kanta ko tapos ay may sayaw pa with finger heart, ngumiti naman siya. Kala mo ha!

"It's a lame joke, Normella." Tapos ay tumayo na ito at naglakad palayo. Kakamot-kamot naman si Ella sa kaniyang ulo.

"Hoy! Ngumiti ka parin, havey yung joke ko!" Habol ko sa kaniya tapos nakita ko siyang tumatawa kaya't natawa nalang din ako. Marahil malamya nga ang joke ko pero at least napatawa ko padin siya.

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.
Our timeKde žijí příběhy. Začni objevovat