CHAPTER THIRTEEN

15.3K 209 8
                                    

CHAPTER THIRTEEN

“Alam ko banda dito 'yon, e.” Sabi ko habang tinitignan ang mga bahay sa subdivision.

“I'm nervous.” Natigilan ako sa pagmamaneho dahil sa sinabi niya.

“Why?” Ngumiti siya ng parang natatae.

“What if they don't want me as your husband because you know...” Tinuloy ko ang pag-drive.

“They will like you.” Pero sana hindi.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa mansion ng grandparents ko. Sa parking pa lang ay nakita ko na ang limang sasakyan.

Pinark ko naman ang kotse at lumabas. Lumapit ako kay Zeus at sabay naming tinignan ang mansion. Walang pinagbago.

“Let's go inside?” Tumango siya at ngumiti.

Hawak kamay kaming pumasok sa bahay. Naabutan namin silang nagtatawanan sa sala. Natigilan sila nang makita kami ni Zeus.

“Oh my, God, ikaw na yan, Yna?” Tumayo si Tita Megan na halos limang taon kong hindi nakita kasi nasa Canada siya naninirahan.

“Tita.” Nanubig ang mata ko ay yumakap sakanya. Siya ang pinaka favorite ko. “Buti po nakauwi kayo.” Pinunasan ko ang mga luha.

“Oo nga, e. Oo nga pala,” Huminto siya at may tinawag na lalaking kasing edad lang din namin. Walang emosyon ang mukha niya. “This is my Son—Miggy. Miggy this is Yna, Iyah's Sister and your cousin.” Tumango lang ito. Napatingin naman siya kay Zeus. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para ipakilala si Zeus kaso pinatigil niya ako. “Sabay sabay mo saming ipakilala ang asawa mo later, Yna.” Kumindat ito sakin.

Nakakapag taka. Alam ko hindi pwedeng magkaanak si Tita Megan kaya sinong tong Miggy? Adopted?

Lumapit na kami kay Dad and Mama pati na rin kay Iyah at Trev. Nakipag beso kami sakanila.

Bale apat na pamilya ang nandito. Si Tita Megan at Miggy, si Tita Maki at sina Eliza at Belle, si Tito Cian at sina Mark Justin, Jeremy at si Claire, at ang isang pamilya ay ang pamilya namin nila Dad.

Natapos ang kamustahan namin kaya naman oras na para ipakilala ko si Zeus sakanila.

“Uhm. Tito, Tita, Cousins... this is my husband—Zeus.” Ngumiti ako. Ramdam ko ang hiya ni Zeus kaya unti unti rin akong nahiya.

“Gwapong bata.”
“Zeus Clinton 'yan diba?”
“Wait, nakita ko ata siya sa magazine dati.”
“Really? Saang magazine?”
“Astig.”
“Parang 'di naman, katulad nung asawa ni Iyah parang parehas silang 'di friendly.”
“Paano yung nanliligaw sakanya dati? Troy ang pangalan no'n, hindi ba?”
“...”

Napairap ako. Pero nagulat ako nang paupuin nila Si Zeus kaya naiwan akong nakatayo. Sinimulan na nilang dadalin ito kaya wala siyang nagawa kundi makipag daldalan din.

“Pst. Mark, Jeremy. Pakikuha naman nung mga bagahe namin sa kotse at pakihatid sa kwarto.” Ngumisi sila sakin. Alam ko na ang kapalit. “Then go wherever you want basta bumalik kayo dito agad after 1 hour.” Hinagis ko ang susi sakanila.

“Ayos!”
“Tara na, pre.”

Tinignan ko si Zeus na nasa hotseat. Agad dinala nila Mark ang bagahe namin sa kwarto kaya pinuntahan ko na din ito para ayusin.

Naupo ako sa kama at nagsimulang ilabas ang mga gamit namin nang biglang pumasok si Eliza.

“Need something?” Tanong ko. Ngumiti naman ito at umiling. Umupo din ito sa kama.

“I really don't want to say this, but as your cousin, it's my obligation to tell you the truth.” Napakunot ang noo ko.

“What do you mean?”

Undesirable Marriage Where stories live. Discover now