Chapter 6: Black Book

405 24 3
                                    

SAVER POV

             Ang kukulit talaga nila. 

              Paguwi ko sa bahay, hindi man lang sumalubong ang nga alaga ko. Umakyat ako... nasa taas sila. Sa atiic, may kausap si Hero, pagsilip ko.

             "Oo eh... gusto ko sana, pero pauwi na niyan ang kuya ko" bulong ni Hero.

            Nakatingin nanaman ito sa may bintana. Nakatingin din si Hershey at si Ash mahimbing na natutulog sa tabi ni Hero. 

             "Hero?" tawag ko, nagulat pa ito.

               "O nandito ka na pala kuya... miryenda ok?" utos agad nito.

            "Sinong kausap mo?" tanong ko.

              'Si Hershey..." sagot lang nito sabay baba. 

            Napatingin ako kay Hershey... nakatingin padin ito sa bintana. 

             "Hershey?... let's go girl" tawag ko. Binuhat ko nalang ang mataba at tamad kong pusa. Bago ko ko isinara ang pinto sa may attic... napasilip ulit ako dun sa may bintana. 

         "Kuya... bilis, nagugutom na ko" tawag ni Hero sa baba.

          "teka lang... magbibihis muna ko ok." sigaw ko.

          Nagbihis ako, at inayos ko muna ang gamit ko... nakita ko ang black book. Inihagis ko nalang muna ito sa kama ko. 

          Pagbaba ko. 

          "O anong gusto mong miryenda?" tanong ko... "Dinner na nga, magmimiryenda kapa?" sabay gulo ng buhok niya.

           "Do not bother ijo, eto na..." si Mommy kasama na din si Dad, may dalang Big Ben Pizza. 

           "O ayan o... dinner at miryenda" sabi ko kay Hero.

            "Yes!!! I love you Mom, Dad, your the best!" sabay agaw ng kahon ng pizza kay mommy. 

             Friday night pala... kaya pala...

           We enjoyed movies and junkfood kapag walang pasok kinabukasan. 

          Sherlock Holmes ang movies na pinapanuod nanaman nila... hindi na ko interesado so I decided nalang na umakyat sa kwarto ko. Nakakainip... paghiga ko, nahigaan ko pala yung black book. Umupo ulit ako... nacurious talaga ako sa librong to. Nakakaaliw... 

               How to open your third eye...

               May kung anong thrill ang dumaloy sa dugo ko. Hindi ako naniniwala sa mga kaluluwa o kung ano mang paranormal things na sinasabi nila. Pero... parang gusto ko lang subukan. Natatawa ako pero... parang may kaba din kong nararamdaman. 

              "Ano ba? ganito na ab ko ka bored... at pati ang kalokohang ito gusto kong subukan" bulong ko. 

             "What the hell..."

              Sinimulan kong basahin ang nakasulat sa pahinang yun... hindi ko alam kung anong langguage yun, pero namilipit yata ang dila ko sa kakabasa nun. 

               Bigalang namatay ang ilaw. 

             F*** brown out pa! 

            Dinampot ko ang celphone ko. Pero sandali lang naman ang brown out. Nagkailaw na ulit. Tinamad na ulit akong basahin yung libro, kaya inilagay ko nalang ulit yun sa bag ko. May nahulog na papel. Pagkapulot ko... parang isang mapa... ano to? treasure map? tawa ko. Hmmn... pero? who knows?

My Sweet Voodoo DollWhere stories live. Discover now