Chapter 31: Breathe

270 20 4
                                    

SAVER POV

               " Hello? Clover?" sagot ko sa phone habang hinihingal na sa pagod dahil sa kakaikot sa buong campus para hanapin si Anya at Willow.

                 "Saver... pumunta ka ngayon dito sa  St. Peters Hospital" taranta niyang sabi.

                 "Ha? napano ka? ok. ka lang... I'm sorry kung hindi ko agad nalaman na isinugod ka pala sa hospital" paliwanag ko.

                 "It doesn't matter... ang totoo, parang may dahilan talaga kung bakit nandito ako ngayon, ewan ko ba kung nagkataon lang... pero may kailangan kang makita dito" sagot niya.

                   "Ano?" tanong ko. "pasensya na Clover, pero hinahanap namin ni Ace si Willow, kasama niya kasi ngayon si Anya,, at may masama kaming kutob sa mangyayari" paliwanag ko.

                   "Kaya nga mas maganda kung pupunta kayo dito" sagot nya.

                  "ano ba kasi yun Clover? diretsahin mo na nga ako... nahihilo na ko sa kakahula ng mga sagot sa mga binibitawan niyong salita" medyo pasigaw ko ng sabi.

                  " Nakita ko si Willow... nandito siya sa hospital" sagot niya.

                  "WHAT? kasama ba niya si Anya? anong ginagawa niya dyan?" tanong ko.

                 "Saver... I saw her body... nakaconfine siya dito sa hospital nato... She's still alive Saver" sagot niya.

                Nabitawan ko ang phone ko sa narinig ko. 

              Napatitig sakin si Ace at paulit ulit niyang tinatanong kung ok. lang ako at anong nangyari. 

              "Willow is still alive.." pagkasabi ko. Napatulala din siya.

               Pinulot ko agad ang phone ko. 

                "Are you sure it was her?" tanong ko.

               "Ano kaba? Oo namn noh, I doubled, and tripled check ko pa nga... pati ang buong pangalan nya...basta Saver... pumunta na kayo agad dito, isa pa... nandito din ang  Dad mo" sabi nito.

              Naalala ko nga palang si Dad ang humahawak sa kaso ni Willow. And he never mention na patay na nga ang batang babeng yun. Pero...anu yung nasa picture? hindi ko pa kasi nabasa ang buong detalye sa pinasa na file case ni Dad. 

                 "Halika na Saver... puntahan na natin ang hospital na yun" anyaya ni Ace.

                Napatakbo ako para kunin ang motor ko. 

                Mabilis ang patakbo ko nito. 

                Hanggang narinig ko si Ace na pasigaw tinawag ang pangalan ko

                "Saver!!!watch out!!!"

                And then... everything turns black... I can't remember anything...

                  Naririnig ko ang sigaw ni Clover at Ace...

                 "Cmon Saver... don't give up! lumaban ka...!" paulit ulit nilang sinasabi.

                  HIndi ko alam kung gaano katagal ang tulog ko. When I woke up... is that ?

                 Mommy? Daddy? Hero? Nakatitig sila sakin... sa katawan ko. Nakahiga sa kama... Nasa hospital na ba ko? pero pano? at damn... bakit nakikita ko ang sarili kong walang malay? 

My Sweet Voodoo DollWhere stories live. Discover now