46' Olympian Chess

14.2K 734 62
                                        

Hindi ko alam ang naging reaksyon ko nang sabihin sa akin ni Thanatos na kaya ako mayroong third eye, ay dahil ginrantan niya ako ng ability na 'yon.

And binawi na niya sa'kin dahil sa tingin niya ay kaya ko na raw without his abilities, at tuturuan naman daw ako ni (rolls eyes) Circe.

Well, I did accept it and let him take his ability again. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit nakakakita pa rin ako ng mga kaluluwa. Mga multo.

Binawi ba talaga ni Thanatos ang abilidad niya? O di kaya'y sadya ko nang abilidad ito?

Well harap-harapan naman niyang binawi ang kaniyang kapangyarihan, kaya't nasisiguro kong binawi niya nga iyon. But what is happening to me?

I looked at the surroundings, at narito na kami ngayon sa isla ni Athena. Goddess of War and Wisdom. Gusto kong makuha ang loob niya, para sa darating na digmaan ay malakas ang tyansya naming manalo dahil sa wisdom niya.
But then I laughed. Ni hindi ko nga alam kung kanino ako panig, I despise them all- Olympians.

"Applicants," maawtoridad na sambit ni Athena. She had a golden helmet, at ang kaniyang damit ay armor din.
She smirked and continued on, "Para sa inyong test sa akin; you will be playing the battle of Chess with a twist. You will be the King, the most protected piece. The other pieces would be Gods and Goddess. Twelve of the pieces would be the Olympians, and the last three pieces would be a God of your choice. My servants will lead you to the battlefield. Anyone who would lose will be severly injured, and will not pass."

Napalunok ako, at ngayon palang ay inisip ko na ang maaaring idagdag sa mga piyesa. I shut my eyes when I immediately thought of Thanatos. Hmm, he's not really that powerful in terms of his abilities, but when others are injured, he could easily steal their lives.

Next, I thought of Eris as a bait. She started the Trojan War before, kaya't nasisiguro kong magiging malaki ang kaniyang impact sa battle of Chess. After all, sabi nga ni Athena ay nirereflect ng God pieces ang kanilang mga personality.

Lastly, I thought of Circe. Kung mapapansin niyo'y ang mga dinagdag ko'y pare-parehas na panig kay Hades. Circe may easily turn opponent Gods into animals, or she may also curse and heal. A great asset for the battle.

Napatingin naman ako sa lumapit sa'kin na kabayo, kulay itim ito at mayroon ding pulang mga mata. Kaagad akong sumakay dito, at dinala ako nito papasok sa woods.

Napahinga ako nang malalim nang mapansing unti-unting nagsusummon sa paligid ko ang mga Chess Spirits. Napaligiran ako ng mga doppleganger ng mga Olympians, at ang hangin ay bumulong sa akin.

Summon three more spirits.

"I summon the Death, Chaos, and the Sorceress," munting bigkas ko at kaagad ding namang lumabas ang chess spirits sa paligid ko kasama ang twelve Olympians.

I kinda flinched in the sight of Thanatos. He (the chess spirit) smirked at me, and winked. I sighed, mukhang sadya ngang nirereflect ng mga spirits ang mismong mga Diyos.

I heard horse steps not far away. Teka, sino bang makakalaban namin? Applicant din ba, o iba?

Bukod sa apak ng mga kabayo'y nakarinig din ako ng sipol. It was a beautiful tune, kaya't bahagya akong inantok.

Tumigil ang aking kabayo, kaya't nagitla ako. Napatigil din ang iba pang mga spirits at bumuo naman sila Apollo at Circe ng barrier sa paligid namin.

Ang kaluskos ng paligid ay mas lalo lamang nakapagpakaba sa'kin. Sino bang kalaban ko?

The wind whispered, "Your enemy is yourself."

Hindi kalayuan ay nakita ko na ang imahe ng isang puting kabayo sakay sakay ang sarili ko. Pero, ilusyon lamang ito hindi ba?

Thieves of HarmonyWhere stories live. Discover now