Chapter Fourteen: NO TO SCHOOL WORKS

63 17 52
                                    

Maky's POV


Kinuha ko na ang number ni RJ para mas madali ko siyang ma-contact at mautusan. Para naman hindi na lang siya laging nakadikit sa akin. Parang linta.

At para na rin mautusan ko siya tuwing Saturday. Ang sarap ng buhay niya ng Saturday kaya naman para worth it ang sahod niya na nakukuha niya sa akin ay pwede ko na siyang utusan ng Saturday.

Aba! Sinuswerte naman niya kung magbubuhay donya siya sa araw ng Sabado.

Kaya pagdating ng Saturday tinawagan ko siya at sinama sa paggro-grocery. Sakto, kunti na lang stock namin sa hangout place namin kaya makapag-grocery na nga, tutal may P.A. na ako, may magbibitbit na ng mga groceries na bibilhin ko.

At isasama ko na rin ang groceries na ipinangako ko sa kanya. Gift certificate na lang sana yung ibibigay ko para sila na lang bumili at yun din ang sabi ko sa kanya noon kaso naisip ko rin na kasama ko naman na siya kaya isasabay na lang.

At aba, ang tapang pa niyang sinabing ide-date ko siya. ANG KAPAL NG MUKHA! CAPSLOCK PARA INTENSE! Hindi mga katulad niya ang type ko. Obvious naman. Oo, matalino nga siya pero sa itsura niya? Wala talagang magkakamali na may magde-date sa kanya. Kung meron man, MALAS NIYA. CAPSLOCK ULIT PARA INTENSE. HAHAHA.

Anyway, nandito na kami sa hangout place namin nina Steve, Chris at Emman. Kapag Saturday, dito na talaga kami tumatambay. Para makapag-bonding at makapag-relax sa stressful na school works and requirements. Lalo na ngayon na nalalapit na ang University Sports Festival.

Ipinagsasabay pa namin ang extra-curricular activities namin. Hays. Nakakapagod mag-aral pero worth it naman kapag nagka-degree ka na.

Hindi ako yung tipo ng estudyante na hindi sineseryoso ang pag-aaral. I am seriously studying because I will inherit my family's business. Yes, tama kayo ng nabasa. Hindi lang si Emman ang may mamanahin. Ako rin. Hindi naman pwede si Hailey kasi hindi ang business world ang passion niya. Also me, pero ginagawa ko na siyang passion so that my parents, especially to dad, will be proud of me. That's why I'm taking my studies seriously.

Kaya ikaw, oo ikaw na nagbabasa, kung nag-aaral ka pa, dapat seryosohin mo ang pag-aaral mo para maging proud ang parents mo sayo. So ayan, may natutunan ka naman siguro sa akin. Your Boss Maky. Hahaha.

Itong si RJ naman, hindi na napigilan ang mamangha sa hangout place namin. Ordinaryong kwarto lang naman to.

"Hoy! Ano pang tinutunganga mo diyan! Mag-ayos ka na." utos ko na sa kanya dahil kanina pa siyang nakatayo diyan, imbes na mag-ayos na.

"Aeh, opo boss. Papunta na." taranta niyang sinabi. Umupo muna ako sa couch at pumikit.

Napagod ako sa paggro-grocery kanina. Kahit inutos-utosan ko lang si RJ kanina, napagod pa rin ako.

Habang yung tatlo naman ay abala sa kani-kanilang ginagawa. Si Emman ay may kung ano-anong ginagawa sa laptop niya na malamang na tungkol sa business nila. Si Chris at Steve naman ay naglalaro ng chess. Mahilig talaga silang mag-compete sa isa't-isa.

"Uhm RJ, pwede bang isang chips diyan?" rinig kong sabi ni Steve kay RJ kaya naman napadilat ako. Kumuha naman ng chips si RJ.

"Ito oh." sabay abot naman niya ng isang chips na nakangiti. Pagkatapos nun ay bumalik ulit siya sa pag-aayos at paglalagay sa ref ng mga dapat ilagay dun.

"Pwede bang iabotan mo din ako nung Pic-A RJ?" ngiting nagpapacute namang tong si Chris kay RJ. "Atsaka, ipagtimpla mo na rin kami ng juice, ok lang?" pag-uutos ni Chris sa kanya. Kung makautos naman ang mga ito. Sila ba ang boss. P.A. nila si RJ? Itong mga to talaga.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon