Chapter 39: Trend Talk Philippines

975 58 13
                                    


Author's Notes: Raw and partially edited, posted at 11:54 pm, 14th February 2020. Happy Valentines Day, Coñotics!

Makati Medical Center
Makati City
Thursday
4:55 pm

Goz: Never would I have thought...

Jake: Hindi ko rin alam... Basta sa tingin ko, paninindigan ko na yung decision ko.

Goz: It never occurred to me na kaya mong mag-quit just like that.

Jake: Natagalan pa nga kasi pinakialaman pa ni Kelso yung announcement ko sa IG.

Goz: Sa tingin ko nga. It was well-written, that's for sure. May build-up at may slight patama.

Jake: Aaminin ko, hindi naman ako magiging ganito ka-tapang at ka-confident sa naging choice ko kung wala si Kelso.

Goz: Well, if it's worth saying at this point, mas matibay ka compared to me.

Jake: Goz, matanong nga kita, sa basketball lang ba naka-base ang buong buhay mo? Paano ko ba to i-paraphrase sa English?

Goz: Uhmmm... I know what you're asking. Have U made my life revolve around basketball?

Jake: Parang ganoon na nga...

Goz: Will I be in this situation if I never saw a life out of playing basketball?

Goz: Alam mo, Jake, I envy you. Nai-ingit ako sa 'yo.

Jake: Sa 'kin? Anong nakaka-inggit sa 'kin?

Goz: Kasi I can go train in Greece for an entire summer, I can get the best trainers to condition my body para maging halimaw sa court, and my parents can probably pay their way to get me the exposure I want as a player, BUT I don't think I'll be half the player you are.

Jake: Teka lang, Goz. Ibaba mo naman ako sa monumentong tina-tayo mo sa mga sinasabi mo tungkol sa 'kin.

Goz: But it's true! Sinasabi mo sa 'min na sinuwerte ka lang or you just got lucky when you made that shot last summer but I've done my time on the boards and I know a great player when I see one.

Jake: Seryoso ka talaga diyan sa sinasabi mo—

Goz: What's so frustrating about you is hindi mo alam kung gaano ka kagaling pag tumapak ka na sa court. It's like you've got a switch that turns on and the game just happens for you.

Jake: Huwag mo naman i-discount na team tayong nagla-laro. Hindi naman ako o ikaw lang ang nagpa-panalo ng isang game.

Goz: And that's what's so admirable about you too. Ang humble mo sa lagay na yan.

Jake: Yung nangyari sa 'yo, Goz, doon ako napa-isip...

Jake:  Hindi ko alam na umabot ka na sa point na halos bumitaw ka na sa lahat.  Ano bang bumasag sa 'yo o may pagkukulang din ba kaming mga kaibigan mo?

Jake: Sorry... Puwede na ba nating pag-usapan 'yon?

Goz: Well, much better siguro na isa sa mga nag-rush sa 'kin here sa hospital to save my life ang kausap ko about this. The Doctor says na I need to talk about it with those people who are important to me. Pati yung mga taong I owe an explanation to.

Jake: Hindi naman tayo mag-iiyakan dito, di ba?

Goz: Ulol!

Jake: Huwag na huwag mo nang uulitin 'yon ah. Kung kailangan i-kadena kita sa upuan para mapigilan ka, ako mismo magdadala ng chain at padlock.

Goz: Careful there, Jake. Taylor might think na you're stealing one of his fantasies.

Jake: Libog niyo!

The Coño Boy 4: JakeWhere stories live. Discover now