Chapter 50: Masamang Ma-Alimpungatan

861 51 21
                                    



Blue Residences
Katipunan Avenue
Quezon City
23rd December
9:32 pm

Jake: Sigurado kang okay ka lang?

Tanong ko kay Kelso. Masyado kasi siyang tahimik habang nagba-balot ng mga regalo. May naka-play na Thai TV series sa laptop niya pero hindi naman niya nililingon.

Kelso: Yes. Ano ba, Jake? That's like the fifth time you asked me that since you got here.

Jake: Gusto mo bang hindi na muna ako umuwi?

Dagdag ko pang tanong sa kanya.

Kelso: Ayan ka na naman... You want na magalit sa'kin si Tita Agnes 'cause you're gonna spend Christmas with me, instead?

Ramdam ko ang pagka-irita sa tono pana-nalita ni Kelso pero gusto ko lang din talaga maka-sure na okay siya.

Jake: Eh boto naman sa 'yo si Mama, di ba? Okay lang siguro—

Kelso: I'm not hearing this, Jake.

Kulang na lang gutayin ni Kelso yung giftwrapping paper na hawak niya habang ginugupit.

Jake: Ayaw mo 'kong makasama?

Lumipat ako sa may tabi niya at nag-simulang pulutin mula sa coffee table yung mga kalat na gupit na pira-pirasong gift wrapper.

Kelso: Believe me, the only reason why I'm spending Christmas at Forbes is because I love my Lola Barbara. And if I had my way, I'd rather be somewhere else than endure another insufferable Noche Buena with the Shianghio ilk. Wala sigurong pang-handa sa bahay nila. Pero I have a duty to my family —and I won't let the Shianghio's have their way— nor give them the pleasure of my absence.

Yung pagkaka-sabi ni Kelso na "I have a duty to my family" para siyang nanunumpa sa naka-baliktad na flag ng Pilipinas, yung pang wartime na nasa taas ang red part.

Jake: Tama nga ang kuya mo. Mahirap kang kalabanin.

Pabulong kong sabi.

Kelso: Bonding na kayo?

Masungit niyang tanong.

Jake: Hindi. Napag-usapan lang.

Sagot ko naman.

Kelso: Careful with Keith, Jake. He may be a doctor but doctor also rhymes with traitor.

Napansin ko na ang bilis ma-irita ni Kelso mula nung creamation ni Justin.

Jake: O sige na... Change topic na. Uma-asim na mukha mo eh.

Lambing ko sa kanyan habang mina-masahe ang balikat niya.

Kelso: You will do well never to deal with Keith.

Jake: Tama na... Magpa-Pasko na, mukha kang Lunes Santo.

Kelso: You do know that doesn't really make sense.

Bigla niyang lingon sa 'kin,

Jake: Yakap na lang, para may sense.

Niyakap ko na lang siya mula sa likod niya at ipinatong ang baba ko sa balikat niya para man lang kumalma yung pagsu-sungit niya.

Kelso: Let go... You're gonna ruin my giftwrapping.

Pilit siyang nagpu-pumiglas sa yakap ko.

Jake: Babalutin kita o babalatan?

Biro ko.

Kelso: Wow, Jake... I know you can be real smooth sometimes but that is soo not benta. You better stop taking a page from Jaydee's book if you ever wanna get on with me.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon