- C H A P T E R 18 -

1.6K 91 5
                                    

- C H A P T E R  18 -

(^_^)

"Hey! Are you okay?" nag-aalalang tanong ko kay Gail. Tahimik lang kasi ito habang binabagtas na'min ang daan papunta sa Pharoshia City.

Pagkatapos ko kasing magpakilala sa ay mabilis na humingi ng tawad ang apat sa naging pag-uugali nila. Okay lang naman sa akin 'yun since sabi ko nga, ayaw kong pumatol sa bata. At dun na nga nila nasabi ang pakay nila sa Ghorn Town.

Basically, they traveled for three hours nonstop kasi raw ay kailangan ng Mayor nila ang isang healer. May kakaibang sakit raw kasi ang anak nito na halos lahat na ng magagaling na healer ay walang nagawa. That's when Axel recommended Gail. Wala namang sinayang na oras ang pinuno nila at ipinadala ang limang magagaling na kawal para sunduin si Gail. Habang nasa daan sila, may Orcs raw silang nakaharap at nakatamo ng sugat si Axel at dun nga nila nalaman ang tungkol sa klinika ni Gail.

Wala na'rin naman pasyente kaya after lunch ay sinimulan agad na'min ang paglalakbay. Opo. Kasama ako. May dalang isang extra na kabayo ang lima kaya ito ngayon, kayakap ko si Gail na kanina pa walang imik.

"Gail, okay ka lang ba?" masuyong tanong ko. Mas hinigpitan ko rin ang pagkakayakap sa kanya. Nag-aalala na kasi ako sa kanya.

"Pharoshia City is known for its slavery, Craige." puno ng lungkot na saad nito. Andun rin ang galit na pilit nitong tinatago.

Buong ingat na hinawakan ko ang kamay nya. Mas inayos ko rin ang pagkakataklob ng hood ng Cape of Valour sa ulo nya. Well, suot suot na nya ngayon ang damit nya bilang adventurer habang ako ay puro normal lang ang suot.

Biglang natigil ang pagpapatakbo na'min ng kabayo nang biglang humalinghing ang mga sinasakyan na'min na parang hindi mapakaling umiikot ikot.

'Master, Mistress, mobs are coming. Underground.' imporma ni Luxiel na kakadilat lang at biglang tumalon at pinakiramdaman ang paligid.

Ang limang knight na kasama na'min ay inihanda na'rin ang sarili tsaka kami pinalibutan. Since knight ang class nila, they are holding sword and shield. Walang imik na bumaba ako sa kabayo, inilagay ang kamay ko sa lupa at pinakiramdaman ang galaw ng mga kalaban.

'Master! Below us!'

Walang pagdadalawang-isip na nilapitan ko si Gail at tsaka ito kinandong and I used vertical leap to avoid the mobs. Kakatalon lang na'min ng biglang lumusot ang napakalaking bunganga ng kung ano mula sa lupa at ang nasakmal nito ay ang kawawang kabayo na wala ng nagawa.

Rinig na rinig ko pa ang malulutong na mura ng mga kasamahan na'ming knights tsaka pinaulanan ng skill ang mobs na nagtago na naman sa lupa.

Pagkalapag na pagkalapag ko sa lupa ay buong ingat kong inilapag si Gail. I unmarked my normal clothes kaya nagmukhang kulto na naman ang damit ko. And I summoned my Infinity Sword. Mabuti na at handa dahil hindi naging sapat ang pagpapakita ng mobs kanina para ma-identify ko kung ano sya.

'Master, we are being sorrounded by five Shaker Worms, normal mobs. And one rare mob na Shaker Elite Worm.'

'How about their level?'

'Ranges from 45-60.'

'Thanks, Luxiel.' at tumango lang alaga ko. Binalingan ko naman ang limang knight "People, we are dealing with five Shaker Worms and one Shaker Elite Worm. Level is from 45 to 60."

"Shit!"

"Fuck!"

"Damn!"

Magkasunod na mura nilang apat habang si Zane naman ay mas naging seryoso lang ang mukha. Mababakas ang pangamba sa mukha nilang lima. Compare kasi sa level ng Shaker Worms ay walang panama ang limang 'to. Okay lang sana kung isa lang ang kalaban pero anim eh. Axel is level 42, Zane is level 41, then the other three (Toby, Nick and Allen) ay nasa 39.

The Summoned Hero (Turtle Update)Where stories live. Discover now