- C H A P T E R 25 -

1.2K 74 2
                                    

- C H A P T E R  25 -

╮(─▽─)╭

'Xander, they are starting. The plan of bringing chaos to my realm is already starting. You should be cautious. You should be aware. You should be ware. Enemy is just lurking around. Watching. Waiting. Observing Save them, Xander. Stop them.'

Napabalikwas ako ng bangon kasabay ang paghawak ko sa pumipintig pintig ko pa atang utak. That was Goddess Euriel. Mukang pakana ng mga nasa posisyon ang kung ano mang nangyayaring kababalaghan ngayon lalo na ang aninong iyon.

Habang inaayos ko ang suot kong hood ay naisipan ko ng lumabas sa inn na nirentahan ko ngayong gabi. Mag-aalas sais narin naman na kaya dumiretso nalang ako sa pagpupulungan. Pagkalabas ko sa Inn ay kapansin pansin ang katahimikan sa buong paligid at tanging ang mga adventurer at Palace Kinghts nalang ang nakikita kong naglalakad dahil sa ipinagbawal ng mayor ng bayang ito ang paggala sa labas ng mga civilian.

Pagpasok ko sa bulwagan ay sumalubong sa akin ang nasa trentang adventurer at may kanya-kanyang pinag-uusapan. Nung iginala ko ang aking paningin, wala pa rito sina Kage na syang sentro ng pinag-uusapan. Kung hindi sina Kage ay nagpapayabangan naman sila at ang iba ay nagtataka dahil sa emergency meeting na ang Guildmaster pa mismo ang nagmando.

Tahimik na umupo nalang ako sa gilid, sa medyo may kadilimang bahagi at dun ay tahimik silang pinagmasdan.

Basi sa nakikita kong impormasyon sa lahat ng nandito, ang pinakamataas na level ay nasa 98 habang ang pinakamababa naman ay nasa 72. Di ko alam kung ano ang ranggo nila bilang adventurer pero kung ganito lang sila karami at ang lalabanan nila ay ang daan daang Snow Vulcan na'yun, mukang mahihirapan sila.

Pagsapit ng alas sais, biglang pumasok ang isang lalaking nasa early 40's kasunod ang isang babaeng nakasuot ng uniporme ng isang Palace Knight, sa tindig at lakad palang nito ay mahahalata na na sya ang namumuno sa Palace Knight dito sa Isu City. Kasunod na pumasok si Kage na seryoso lang, si Athena na nakangiting naka-upo sa likuran ni Luxiel na nasa Combat mode. Kasunod ng guardians at pet ko na pumasok ang ilang Palace Knight. Nabalot ng katahimikan ang buong lugar kasabay ang pagtaas ng tensyon at nagpapakiramdaman.

"Pre." bati ng kung sino sa gilid ko, nung tingnan ko ay yung lalaki pala kaninang pumigil sa'kin na umakyat sa Mount Glacial, "Buti at nakabalik ka ng ligtas." at tumawa pa ito.

Di ko sya pinansin at itinuon nalang ang pansin sa lalaking naunang pumasok na ngayon ay nasa gitna na.

"Mga magigiting at malalakas na adventurer, una sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa pagdalo ninyo sa pagtitipong ito ngayon. Bago magsimula ang ating pagpupulong ay gusto ko munang ipakilala sa inyo ang aking sarili maging ang aking kasamahan dito ngayon. Ako si Lancelot Pierce, ang namumuno dito sa Isu City. Ang babaeng nasa kaliwa ko naman ay si Lotte Meier, she's the colonel assigned her. And these two are," sabay turo kay Kage at Athena, "Mister Kage Spriggan and Miss Athena Heartfilia."

Upon saying their names, nabalot ng bulungan ang buong lugar pero natigil 'yun nung muling nagsalita ang mayor.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, my dear adventurers. I need all of your help."

Ayan na naman ang bulungan.

"Three days ago, five people got missing inside Mount Glacial, two days ago another six got missing, yesterday another six then today three people disappeared. Total of twenty. I dunno why, I dunno how pero kapag pumapasok sila sa bundok na'yun ay wala ng nakakalabas. That's when I requested a help from the higher ups of your guild, pinatawag ko kayo rito ngayon para sana iligtas ang mga nawawalang mamamayan ng Isu City at kapwa nyo adventurer sa Mount Glaciel. Of course, you will be compensated accordingly."

The Summoned Hero (Turtle Update)Where stories live. Discover now