- C H A P T E R 35 -

1.1K 84 12
                                    

- C H A P T E R  35 -

(・∀・)

"Xander! I missed you!" tili ni Fumia tsaka nagtatakbo papunta sa akin at akmang yayakapin nya ako nang biglang iniharang ni Gail ang kanyang legendary weapon sa gitna na'ming dalawa. Fumia halted, lips pouting at tsaka tiningnan ang humarang, "Boo! Kj mo bes. Boooo!"

Gail simply looked at her flatly, "No hugging, bes."

Umirap naman naman si Fumia tsaka sya bumuntong hininga, "Selosa nito. Fine!" pagsusuko nito na mukhang nalugi kaya ibinaba na ni Gail ang scepter. Nung wala ng harang, ngumisi ng nakakaloko ang babaeng baliw sa kaibigan at tsaka na ako niyakap ng mahigpit na syang ikinalaki ng mata ni Gail, "Woah! Naging mas firm ang maskels mo, Xander!" she commented while poking my arms kung saan sya nakayakap.

Akmang ang tyan ko na naman ang dudutdutin nang naramdaman na'ming biglang nag-iba ang aura na nagmumula kay Gail. Bigla akong namutla at pinagpawisan ng malapot habang ang salarin naman ay lumayo na at sumipol sipol na animo ay walang ginawa.

"Fumia Natividad." naiinis na tawag ni Gail na halatang naasar.

Ngiting aso naman ang tinawag na humarap kay Gail, "Yes bes?" Inosenting tanong nito.

Ako naman ay naiiling lang sa kanilang dalawa, "Tama na nga yan, it's no big deal na–" agad na natigil ang kung ano mang sasabihin ko nung balingan ako ng tingin ni Gail, ang talim ng mga mata nito kaya natameme na naman ako at mas namutla pa.

"Shut up, Craige."

"Yes ma'am!" sabat ko agad. Kapag ganitong asar ang babae, mas mabuti ng wag ng mas asarin pa. Wala eh, tiklop rin naman ako sa bandang huli. Haaay!

"Pfft! Mukang papel na si Master." ang maliit na boses galing sa pintuan.

Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Athena na nakangiti ng malapad, si Kage na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Nabitawan pa nito ang pinamili nila ni Athena para sa hapunan.

Pagkatapos kasi ng yakapan period na'min kanina ni Gail sa klinika nito ay dumiretso kami sa Guild House para makipagkita sa Elven Warrior. Bilang proteksyon kasi nito, sa Guild House nagpapahinga at nagpapagaling ang lalaki dahil ligtas sya dun. Habang pinag-uusapan na'min ang mga kakailanganin sa misyon ay ginagamot na'rin sya ni Gail.

Nasa kritikal kasi ito na kondisyon nung makita ni Gail, may malaki itong sugat sa tagiliran at maraming dugo ang nawala sa kanya, luckily, naagapan sya agad kaya naging maayos na ang pakiramdam nito at pinapahinga lang para maging handa sya sa gagawing paglalakbay mamayang umaga.

When I looked at her, she have this twinkling eyes while looking at Athena and Kage. Napapailing naman ako tsaka ako na ang sumirado sa pintuan pagkatapos ko silang pinapasok. Inihatid naman ni Kage lahat ng pinamili nila sa kusina tsaka sya bumalik sa sala.

Gail excused herself kasi magluluto pa raw sya habang si Fumia naman ay umupo sa pang-isahang sofa, pinalapit ito sa dalawang guardians ko and she started interrogating them.

Speaking of Fumiq, mukang tapos na ang shift nito sa Guild at nandito na sya. Si Clyde naman ay nasa isang quest kaya wala sya rito ngayon. Well, I informed him na babalik kaming Ghorn Town, gustuhin man nyang ipagpaliban ang quest nya, mukang malabo rin since mahalaga raw yun. Kung ano man yung quest nya.

Nasabihan ko na'rin sya about dun sa patong nya sa ulo, ang loko, nginisihan lang ako at kinindatan. Bagay nga sila ni Fumia, parehong sinto sinto.

"Uwaaaah! It's good to finally meet you, baby Athena. Ikaw rin Kage." Si Fumia na pumapalakpak pa, "Bilis! Kwentuhan nyo naman ako tungkol sa mga bagay bagay."

The Summoned Hero (Turtle Update)Where stories live. Discover now