•Chapter 82•

78 5 0
                                    

CHAPTER 82

ALEXA's P.O.V

Kinaumagahan pagkalabas ko nang pinto ang siyang pag labas din ni Cleo na ikina ramdam ko nang good sa morning, hindi kami bati ngayon. Nakita ko may bandaid pa ang ilong niya dahil sa ginawa ko sa kaniya kahapon.

Magsosorry na ba ako nito? Nagmumukha na kasi siyang kaya e.

"What?" Biglang inis na tanong niya sa'kin.

"What what?" Pagtataka ko sa kaniya.

He sigh and then "Anong tinitingintingin mo sa'kin huh? ATE?" Tanong niya sa'kin na parang pinapainis niya ako sa harapan niya.

"May muta kapa sa mata mo at may tulo laway kapa sa bibig mo" syempre hindi naman 'yon totoo. Gusto ko lang siyang gantihan.

"Huh?" Sabay pasok niya pabalik sa kwarto niya.

"Hahahaha!" Tawa ko pa ng may pahawak pa sa tiyan.

"Haist! Anak baka gusto mong bumalik tayo sa hospital?" Biglang tanong ni Daddy sa'kin.

"Huh? B-bakit naman po?" Pagtataka kong tanong.

"Baka kasi nababaliw kana" sabi ni Daddy na siyang nagpainis pa lalo sa'kin.

"Daddy! Ikaw talaga! Haist! *sniff! sniff!* naamoy niyo po ba 'yon?" Inis at sabay na tanong ko sa kaniya dahil sa may naamoy akong nakakatakam na nilulutong pagkain.

"Ahh! Tara breakfast na tayo?" Aya naman niya sakin.

"Hanah!!!" Galit na sigaw ni Cleo sa loob ng kwarto niya.

O.o??? Gulat na gulat ko dahil mukhang maghahanda na ako para world war part two naming dalawa.

"Tara na po" pagmamadali kong hinila si Daddy pababa at dumeretso sa kusina pero napahinto naman kami ng makita namin kung sino ang nag luluto.

"Dad nakikita mo ba ang nakikita ko?" anang tanong ko kay Daddy just to make sure na hindi ako namamalit mata.

"Diane?" Pagtataka rin ni Daddy.

"Oh? Tawagin muna ang mga kapatid mo at tayo ay kakain na" anang sabi ni Mommy... Oo! Si Mommy nga siya hindi ako namamlit mata.

"Ikaw ba ang ate Hanah ko?" Biglang salit pa ng isang batang babae na naalala ko kung paano niya ginulo ang kwarto ni Cleo noon.

Napatango lang ako habang naka ngiti "Tatawagin ko na po sila" sabi ko pa sa kanila at saka sila iniwan doon sa may dinning area.

"Saan ka pupunta?"

"Ay! Anak nang butiki!" Nagulat naman ako dahil sa biglang pagsasalita ni Cleo na naka nakaupo sa sofa namin.

"Haist! Gusto mo ba akong patayin sa ataki sa puso?" Inis na tanong ko kaniya. Pero nang magtama ang aming mga mata sabay din naming iniwas ang mga tingin naming dalawa.

"U-uhm... breakfast na raw" sabi ko na parang naiilang. Haist! Bakit ba kasi siya tumingin sa mga mata ko? Haist! Yung puso ko ang lakas ng tibok hindi ko mapigilan. Sh*t! Na feelings 'to bakit ayaw pang mamatay?

"Alam ko" sabi niya ng walang ka emo-emotion ang mukha.

"Magkapatid nga kami, kaya hindi kami pwede" paulit-ulit na sinasabi ko sasarili ko habang pumanik na ako sa itaas. Para naman mataohan ang puso ko na hindi pala ko pala pwedeng ipagpatuloy ang nararamdaman ko para kay Cleo.

Dear Ideal Guy Season 2: My Ideal Guy (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now