7. ask while your guts are still strong

377 14 0
                                    

"Nnngggggg." Mahaba kong ungol.....











Habang nag-uunat ng katawan sa kama.

"Fuck! Wait. Asan ako?" Nanlaki ang mata ko at agad umupo para malaman kung nasaan ako

Nakahinga ako ng maluwag. Nasa kuwarto ko lang pala ako.

"Ang sakit ng ulo ko." Daing ko nang pababa ako papunta sa kusina. Uminom ako ng tubig.

"Kumusta ka na?" Tanong sa akin ni mama. Nakasuot siya ng robe at may nakaikot na tuwalya sa ulo.

Mas kumirot ang ulo ko at tiningnan siya. "Ang sakit lang ng ulo ko ma."

"Tingnan mo ang lagayan natin ng gamot diyan. Merong pang-hangover."

I quickly went through every single cabinet at nakita ang lagayan ng pills ni mama. Nakita ko kaagad ang kinalalagyan ng panghangover na gamot dahil may mga labels na dinikit si mama sa ibabaw ng kada container.

I took a pill tapos ay umupo sa may counter. "Maayos ba akong nakauwi ma?"

Napatigil siya sa pagsuri sa kaniyang mukha sa salamin. Humarap siya sa akin na may nagtatakang mukha.

"Hindi ka ba umuwi ng mag-isa?" Tanong niya.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko matandaan kahit pilitin ko pa. "Ang alam ko nauna si Carren umuwi."

"Carren?" Singit ni mama. "Sino si Carren? That's the first time you mentioned that name."

Ngumiti ako sa kaniya. "She's a newfound friend, ma."

A smile paved its way to my mom's lips at akma siyang lalapit sa akin with her arms wide open ready to embrace me. "Buti naman anak at may kaibigan ka na. Dalhin mo siya minsan dito para makasama natin minsan sa dinner ha?"

"Yes ma."

•••

Later that day, I went to school kahit sobrang late ko na. My walk cannot determine itself kung saan ba didiretso.

I was about to enter the room nang makita ko na may professor na sa harapan. Parang nahiya na akong pumasok. Pinagtinginan na rin ako ng mga kaklase ko sa subject na iyon. At siyempre, napansin ko kaagad si Ian.

Nakatingin ito sa akin na walang kamuwang-muwang sa ekspresyon. Iyong tipong curious kung anong pinagtitinginan ng iba.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magtagpo ang paningin namin. Muling bumalik ang pagbilis ng kabog ng puso ko. Ang guwapo niya talaga.

Natigilan lang ako sa pag-iisip ko nang may kumudlit sa kaniya na katabi niya. Si Tina. Maganda siya. At isa rin talaga sa mga kilala rito sa university. Umaabot ng libo ang reacts sa FB at IG. Nanghina na naman ang tuhod ko sa natunghayan ko. Tina seems to be alluring Ian.

Alam kong kayang-kaya niya. At sana naman hindi ganoon katanga si Ian para magpadala na lang bigla-bigla.

Hindi na ako tumuloy sa klase. Nanghina ako at sumandal sa dingding. Hinayaan ko ang sarili kong dumausdos hanggang sa umabot ako sa sahig.

Ang sakit na naman. Punyeta! Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Baka 'yun 'yung babaeng ipinalit niya sa akin. Siya 'yung dinedeny ni Ian.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nagising na lang ako ng may gumigising sa akin. Tinatapik-tapik ako sa tuhod. Napansin kong marami nang estudyanteng naglalabasan at papunta na sa ibang subject.

Tiningnan ko ang gumising sa akin. "Bakit ka natutulog dito?" Si Sir Thad.

"W-wala, sir." Tila nakatulala kong sambit.

He stretched his arm at kumapit ako rito para tumayo.

"He already left." Sabi ni sir Thad nang mapansin sigurong sinusubukan kong silipin kung nandoon pa si Ian. Nagbabaka-sakali lang naman ako e.

"Ano bang problema ng mga kabataan ngayon? Lalo na 'yang si Ian. Parang puro libog na lang ang inaatupag sa katawan. Soon, makakahanap din 'yan ng katapat." He tries to comfort me.

Ikinagiti ko ang sinabi niya pero deep inside I want to be that someone na makakatapat niya. 'Yung taong magpapatino sa kaniya.

Sabay kaming naglakad ni sir Thad at sinamahan ako papunta sa cafeteria.

Biglang sumulpot out of nowhere si Leo kasama ang mga tropa nito. "Jared!! Nakita mo si Ian?? Sabihin mo lalaro kami mamaya sa arcade. Gusto mong sumama?"

Mukhang hinahanap din nila Leo si Ian. Ibig-sabihin lang na hindi sila magkasama at iba ang kasama niya ngayon.

"Hi, sir!" Bati nila nang mapansing kasama ko si sir Thad.

"Hello." Bati rin ni sir.

"Sige, pakisabi na lang ha." Sabi nito habang kumakaway paalos. Halos hindi ako nakapagsalita sa pagmamadali nila.

Gusto ko pa sanang tumanggi kasi ayoko lang makita si Ian ngayon. Pero wala na sila e. Ayoko na muna siyang makausap.

•••

how to have sex with an alpha male? (How-To Series #1)Where stories live. Discover now