23 February 2019

6 0 0
                                    

Di mo nga ba napansin
O di mo lang talaga pinansin
Itong damdaming ipinabatid
Sa aking kaibiga'y ipinahatid

Di mo nga ba nasilayan
O di mo talaga sinilayan
Mga katagang naglarawan
Nang aking naramdaman

Di mo nga ba narinig
Pusong ikaw ang bukang bibig
O sadyang di nakinig
Para di na lumawig
Sinadya mo man o hindi
Sakit ay di na mapapawi
Nanamnamin ang pighati
Hanggang sa muli ay mangiti

A Year With YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora