26 February 2019

5 0 0
                                    

Damdami'y bakit ganito
Ika'y laging laman ng isip ko
Naiinis na ako sa sarili ko
Ang umibig ba'y nakakalito

Ba't sa'yo pa nakatingin
Nang puso ay panain
Kay hirap mong kamtin
Ano'ng aking gagawin

Ilang ulit man dumaan
Tumigil sa iyong harapan
Paulit-ulit mo lang lalampasan
Paulit-ulit lang masasaktan

Sa tula na lang ihahayag
Pagtingin na 'di mabubuwag
Nais nang lumaya sa bitag
Ayoko nang maging bihag

A Year With YouKde žijí příběhy. Začni objevovat