25 November 2019

3 0 0
                                    

Apartment ka na?
Ang sarap pakinggan
Kung galing sa kasintahan
Na gustong malaman
Kung ako'y nasaan
Pero ang katotohanan
Ako'y isa lamang kasamahan
Na nais maging kaibigan
Sa di ko malamang dahilan
Kahit ang nararamdaman
Ay higit sa iyong kagustuhan
Wag sanang husgahan
Kung aking pinatulan
Nang ako'y anyayahan
Sumama sa iyong tirahan
Isang kaligayahan
Ang ika'y samahan
Maging ka-kwentuhan
At iyong ka-inuman
Akin lamang kahilingan
Damdamin ay wag paglalaruan
Wag pagsamantalahan
Ang aking kahinaan
Dahil para sayo ako'y handang masaktan
Kahit walang patunguhan
Kahit walang kinabukasan
Ang pagtingin sayo'y walang katapusan

A Year With YouWhere stories live. Discover now