HOME

89 12 0
                                    

Habang palabas ng Gate ng School, Hindi ko pa din makalimutan ang Tunog na iyon, Tunog ba yun na galing sa Puso? O tunog na Nililikha lang ng isang Musikero?? Teka!! Bakit nga pala ako nag iisip, eh ano naman sa akin. Ang Mahalaga natapos na ang araw na ito at makakauwi na ako.
Eksena palagi sa labas ng Unibersidad ang Napakahabang pila para sa jeep, Hayyyst Siyempre no Choice kailangan ko maghintay,, halos Magkakalahating oras na, at sa wakas nakasakay na ako (Grabe its More Fun in the Phillippines talaga) sa Loob ng Jeep siyempre pamilyar na eksena, Mga studyanteng Hindi magkakakilala ang Magkakatabi, Meron Tsimisan, Nag Cellphone, Nakikinig ng Music Dahil sa Earphone sa tenga nila. Mga Halos 25mins din ang tagal ng Bihaye ko pauwi ng bahay.

Habang tinutungo ng aking mga paa ang daan papunta sa aming tahanan "NAKUWI KA NA PALA BAKIT NGAYON KA LANG??! haha eto na naman tayo, Si Lola Amelita nga pala. Ang aking super love na Lola, Halos Mula nung pinanganak siguro ako sa Mundo siya na ang nag aruga sa akin(insert Piano dramatic sound) bakit?? Wala eh iniwan ako ng Mama ko at hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. "Kumain ka na Nagluto ako ng Paborito mo." Lambing ni Lola sa akin na Halatang Masaya siya ng mga oras na yon. "Waaah Kare Kare ba Lola?? Siyempre Yun talaga ang the Best na niluluto ni Lola para sa akin, (Mukhang Mapapakain ako nito ng Marami ah) halos nasa Gate na ako ng bahay papasok, Hinubad ang Sapatos at tinungo kaagad ang Lamesa para sa Masarap na Kare Kare na Luto ni Lola. "Grabe Na Miss ko talaga toh." ng mga oras na iyon Halos walang lumalabas sa bibig ko kundi "Masarap talaga" (sabay Bukas ng Pintuan) Pamilyar na Eksena, "Hoy Dude nakauwi ka na pala." Haha kapag kainan talaga biglang dumadating itong si Kevin, "Oh Tara Kumain ka dito Ang sarap ng luto ni Lola." pag aaya ko. "Ganun ba?? Hindi ko Tatanggihan yan. (alam ko naman yun, kapag pagkain walang Pinapalagpas ang kaibigan kong ito. "Nga Pala may Number ka ba ni Eri?? Yung Chiks na kasama natin sa Library?. Tanong ng aking kaibigan na bakas sa Mukha ang Kasabikan. "ah SI Eri ba? (at sumagi na naman sa isipan ko ang pangyayari sa Music Room kanina. "wala eh,  hindi naman ako interesado sa mga ganun." tugon ko.
(sabay kinuha ko ang cp ko, 1 Message Received (Text mula kay Angel, Iniinvite niya ako manuod sa Gala Night performance niya. Pagkakataon na to "ah kevin May Gagawin ka ba Bukas? Samahan mo ako manunuod ng performance nila Angel sa Gala,, Pag aaya ko. "Wow Ou naman Sama ako, Grabe basta kay Angel My Love i Cheer ko siya." bakas na naman sa Mukha ng Mokong na to na excited siya para dun, Sana hindi ko na lang pala siya niyaya., eh anong gagawin ko hindi ako sanay na mag isa lalo na hindi naman ako kagaya ni Kevin na magaling pagdating sa mga Babae.
"Sige bukas 7pm sa Harap ng bahay namin, Kita tayo, "Sige Sige." sagot niya. (nagpatuloy ang masayang kwentuhan namin habang kumakain.) mag Alas 11 na ng Gabi, ng magpaalam si kevin para umuwi, ako naman ay umakyat sa Kwarto para magpahinga,,
Umupo ako sa Kama at binuksan ang aking Notebook para reviewhin, biglang sumagi na naman sa aking isipan ang Luha sa Tiklado, para saan ang mga Luhang iyon? Luha ba talaga iyon??sa mga oras na yon paulit ulit pa din ang tanong sa isipan ko, Epekto ba ito ng masarap na kare kare ni Lola? Alam ko Hindi, pero hindi ko talaga makakalimutan ang Marahang tunog na iyon ng Piano., "Hay Naku eto na naman ako Iniisip ang mga Bagay na wala naman talaga." basta ang iisipin ko na lang ang Gala Concert bukas, sure ako na sobrang ganda ni Angel Bukas, Gusto ko siyang ilarawan na parang anghel na tumutugtog, kaya lang andun din pala ang Bestfriend kong si Kevin sure ako ma mas excited pa yun sa akin., Ok lang sanay naman ako na Kaibigan lang. Napaka Torpe ko kasi. Grrr,, Ang hina pa ng Loob ko pagdating sa ganung mga bagay. (inilagay ko ang earphone sa aking tenga at Humiga, Anong Pinapakinggan ko? Classical Music lang naman. "Mozart" siya kasi ang talagang the Best Musician For me.
At iyon na. Ang pagkakataon upang ipikit na ang aking mata.

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon