The Sound of Tears

39 7 1
                                    

Katatapos lang ng aming seminar at Orientation para sa Piano Competition kaya naisip ko na lang munang maglakad lakad, ano  kaya ang piyesa na Gagamitin kong panglaban?

Sa Totoo lang ang hirap! Kanina sa Orientation ni hindi man lang ako binati ni Eri, ganun na lang ba yun? Tapos na ba ang lahat sa amin? Sa Susunod na Linggo na ang Competition ng Piano, Tiyak na Mag practice na itong si Kyle, samantalang ako wala pang nasisimulan.

Habang ako ay naglalakad, isang pamilyar na tao ang aking nakita si Kate? Tama si kate nga. Papasok siya sa Hospital, teka siguro may kamag anak siya na dadalawin.

KATE!! KATE!!

Napalingon siya sa akin.

Kate:
Ui Crush, Ikaw pala!

Renz:
Teka, Sino Dadalawin mo dito?

Kate:
Ah, Friend ko lang, nagka sakit kasi ang Mommy niya.

Renz:
Ganun ba?

Kate:
Sandali, bakit ka nga pala nandito? Ay wag mong sabihing Sinusundan mo ako? Ikaw talaga Crush ah.

Renz:
Hahaha! Kahit kailan ka talaga Kate, oh siya sige na pumasok ka na.

Kate:
Sige Crush, pasok na ako, next time na lang tayo mag bonding ulit hahaha

(umalis na si Kate, pero teka lang mukhang naiwan niya tong dala niyang White na plastic bag, mabuti pa at ihahabol ko ito sa kanya, habang hinahabol si Kate, napansin ko na pumasok siya sa isang Room, kung tama ang Basa ko Room for Neurology Section yun,
Papasok na sana ako sa Room ng Biglang...

Doctor Cortez:
Kate!! Ano ka ba!! Bakit ngayon ka lang? Hindi mo siniseryoso ang mga sinasabi ko.

Kate:
Sorry po Doc,

Doctor Cortez:
Kailangan ko na makausap ang Parents mo, hiindi na maganda ang Lagay mo.,

Kate:
Bakit po Doc? Mamatay na ba ako...?

(ng marinig ko iyon, hindi ko alam ang mararamdaman ko, si kate? May sakit? Pero kailan pa? Matagal na ba?)

Doctor Cortez:
Listen Kate! Mabilis ang Progress ng Sakit mo, alam ko sa ngayon hindi mo pa nararamdaman o nakikita ang mga Epekto nito, pero tatapatin na kita,, Lumalala ka, Mawawala ang Pakiramdam mo, ni Hindi ka makakahawak ng mga bagay, palagi kang ma Out Of balance, hanggang sa Tuluyan kang Hindi makalakad, at higit sa lahat pati ang iyong pagsasalita ay maapektuhan.

Kate:
Yun lang ba Doc? Mamatay ba ako?

(ng oras na iyon, ang tinig ni Kate ay napaka amo, kung titignan napaka masayahin niya, makulit, pero hindi sa oras na ito, ang Kate na nakikita ko ay Isang kate na Takot at Malungkot.

Kate:
Pakiusap po Doctor, bigyan niyo pa po ako ng ibang araw, ako po mismo magsasabi sa parents ko, pakiusap po!!

(napaupo si Kate, habang umiiyak! Lumapit ang doctor sa kanya at hinawakan siya sa balikat.)

Doctor Cortez:
Tahan na! O sige, papayagan kita, pero sana masabi mo sa parents mo ang totoo, at higit sa lahat gagawin mo ang bilin ko sa iyo.

Kate:
Salamat po Doc,

(alam ko na lalabas na si Kate, hindi pwedeng malaman niya na narinig ko lahat, kaya nagmadali akong lumabas ng hospital, at doon na lang siya inabangan.,)

Renz:
Kate!!

Kate:
Crush? Nandito ka pa? Hinihintay mo ako noh? Ikaw talaga.

(bumalik ang Kate na masayahin, pero alam ko na pagkukunwari lang yun, sa likod nun alam ko ang sakit na nararamdaman niya.)

MY MELODY (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora