The Last Goodbye

24 7 0
                                    

Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan ang tagpo sa Garden kung saan nabuksan ang puso ko.

Hayst pero gusto ni Kevin si Eri, napaka Complicated naman nito, ang Bestfriend ko Gusto ang Babaeng nagbukas ng Puso ko.

Teka 1 message Received

Hi Renz, Goodluck sa atin mamaya, ibigay natin ang lahat sa Pagtugtog natin.

-Lorraine-

Ngayon nga pala ang performance namin ni Lorraine
Kaya ko na kaya na Harapin ang Piano? Pero kailangan ko ng pakawalan ang nararamdaman ko na ito. Ang kwento namin ni Lorraine sa Likod ng Piyesang "MOONLIGHT SONATA"

(isang tawag mula sa Likuran ang pumukaw ng atensyon ko)

Kevin:
Renz! Pasensya na dumirecho na ako,

Renz:
Oh Kevin ikaw pala, bakit ka pala napadaan?

Kevin:
Kamustahin sana kita, siya nga pala may pupuntahan ka ba?

(napansin ko na habang nagsasalita si Kevin palinga linga siya sa Bahay, parang Binabalikan niya ang ala ala na Buhay pa si Lola at nandito lang sa Bahay.)

Renz:
Meron, Mamaya na kami tutugtog ni Lorraine sa Event.

Kevin:
Aba!! Ayos!! Pupunta ako Bestfriend alam kong napakaganda ng Musikang gagawin niyo mamaya.

(Hindi talaga ako nabibigo sa Bestfriend ko na to, simula palang nung una napaka supportive na niya.)

Renz:
Sige ikaw bahala, basta gandahan mo ang kuha sa amin ah.

(pabiro ko kay Kevin, para masabi ko na Ok na ako.)

Renz:
Sige Txt ko na lang sa iyo ang Address ng Event mamaya.

(anu kaya kung invite ko din si Eri? Pero baka naman busy siya wag na lang.)

Kevin:
Oh sige asahan ko yan Dude ah, kita na lang mamaya.

(umalis na si kevin.)

Habang nag iisa sa bahay, napatitig ako sa lamesa, puno ng alaala ni Lola ang Mesang iyon, masaya kami palaging kumakain sa mesang iyon. Ayan na naman, kinakain na naman ako ng kalungkutan ko, wala akong nagawa kung hindi bumalik sa kwarto ko, hinihintay ang oras.

"ibibigay ko ang lahat sa Tugtog namin mamaya, sigurado ganun din si Lorraine, magsisilbing Liham ng Pamamaalam ang musika namin."

Naalala ko tuloy ang Broken Notes na nilikha ni Eri ang piyesang iyon ang bumulong kung gaano kasakit maramdaman ang Pamamaalam, Kailan ko matatanggap? Kailan ko Aaminin na mag isa na lang ako? Ang hirap!

Sa wakas dumating na ang Oras.
Nagkita kami ni Lorraine sa Event kung saan kami magtatanghal, isang napakalaking Music Hall pala iyon pagtitipon ng mga Classical Musicians, bigla tuloy ako kinabahan.

Lorraine:
Renz! Handa ka na ba?

(tanong na Parang ang Hirap sagutin, bakas sa mukha ni Lorraine, na nakahanda na siya.)

Renz:
Ou Lorraine, handa na akong pakawalan ang emosyon ko.

(Hindi ko pwede biguin si Lorraine, alam ko na alay niya ang musika niya para sa Kuya niya.)

Staff:
Excuse Me, Mam Lorraine,  dun na po tayo sa Back stage after po ng Performer no 3 kayo na.

(Biglang Nanlamig ang aking kamay, talaga bang Handa ako? Bahala na ang Puso ko ang magdikta ng Musika ko.)

Lorraine:
Halika na Renz!

(Hinawakan ni Lorraine ang aking kamay, at dama ko na nanlalamig din ang kamay niya, iniisip ko ano kaya ang tumatakbo ngayon sa isip niya?)

MY MELODY (COMPLETED)Where stories live. Discover now