From: Unknown 2

291 15 4
                                    

"Vic, kumain ka naman oh. Mapapanis na 'tong pagkain mo eh." Pangungulit ni  Carol pero hindi ko parin siya pinapansin. Wala akong ganang kumain.

Tinitigan ko nalang ang cellphone ko at nagbabakasakaling magre-reply siya. Matagal ko na siyang minemessage pero ni isang reply wala akong natanggap galing sa kanya.

Miss na miss kona siya. Sobra.

Bigla namang inagaw ni Bea ang cellphone ko dahilan para mapatayo ako at tiningnan ko siya ng masama.

"Akin na yan, Bei."

"Vic naman eh. Umaasa ka pa bang siya 'to? Naniniwala ka 'bang siya 'to?"

"Hindi ko alam, Carol. Basta ang gusto ko lang... ang makita siya."

Huminga naman siya ng malalim, "Vic, alam mo namang hindi pwede."

"Vic, please... stop torturing yourself. Hindi na ikaw 'to eh. Tingnan mo nga ang sarili mo... kulang kana sa tulog, ang payat mona... hindi ka na uma-attend ng trainings... hindi ka rin nakikinig kay Coach Ramil... alam mo, Vic... konti na lang mawawalan ka ng career sa ginagawa mo."

"Matagal ng namatay si Ara o ang Vic na kilala niyo. Patay na simula ng mawala siya sakin."

"Vic, i know deep down there..." She pointed my heart, "Ara is still there. Our Vic, is still in there..."

"Tanggapin mong wala na siya, Vic. Matagal na siyang wala, mahirap 'man paniwalaan pero yun yung totoo. Truth hurts, wafs. Pero yun na yun eh. Move on."

Hindi ko alam pero tinamaan ako sa sinabi ni Carol. Napatingin ako sa salamin at tama nga siya. Hindi ako 'to.

"Hindi niya magugustuhan ang nakikita mo ngayon."

"You need to face reality, Vic."

~

Nandito ako sa lugar kung saan dito ko siya dinadala palagi. Isa itong garden malapit sa dagat. Napaka-peaceful dito. At muli nanamang bumabalik ang mga ala-ala naming dalawa dito.

Ito yung lugar kung saan kami unang nag “i love you”. Napapikit na lang ako ng mapait at pinagmasdan na lang ang lugar.

Hi love. I miss you every minute, every second, every hour, everyday and forever.

Now, i realized tama si Carol. Kailangan kong tanggapin na wala na siya. Kailangan ko ng harapin 'tong mundo ng wala siya. This is reality.

Realidad na wala ka na.

Tumahimik na lang ako at dinama ang simoy ng hangin. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

Kailangan mong tanggapin lahat, Vic. You'll get through this.

"Alam mo ang gwapo mo, pag nakapikit ka."

Napamulat naman ako at nakita ang isang matangkad na babae. Maputi at maikli ang buhok niya.

"Sino ka? At anong ginagawa mo dito?"

"Sungit mo naman po. By the way, i'm Mika."

"And you are?"

"Vic."

"Hindi mo pa sinasagot tanong ko."

"Bakit? Ikaw lang ba may karapatan pumunta dito?" She chuckled.

"Pano kung sabihin kong oo?"

"Bakit? Ikaw may ari nitong lupa?"

"Eh kung sabihin kong oo?"

Let's take it a shot? //KaRaWhere stories live. Discover now