I Want You

199 8 2
                                    

"Jess, uuwi na ko. Baka saraduhan ako sa dorm eh. Anong oras na din kasi." Pagpapaalam ko naman kay Jessey. Kanina pa kasi kami dito sa club dahil birthday celebration niya.

"Sige bf. Ipahatid ba kita?" Tanong naman ni Jz.

"Nako, wag na. Mukhang nag-eenjoy ang lahat dito sa party mo. Baka maka-istorbo lang ako sakanila." Sagot ko naman sa kanya.

"Sure ka?" Tumango naman ako bilang sagot. Ngumiti na lang siya at niyakap ako.

"Ingat bf. Labyu!"

"Happy birthday ulit. Bye!" Pagkatapos ng moment namin ni Jessey ay umalis na ako at sumakay ng taxi.

Nang makasakay na ako ng taxi ay binuksan ko ang cellphone ko para i-text ang teammates ko na pauwi na ako. Sana lang mabasa pa nila. Anong oras na kasi, 1am na. Baka tulog na ang mga yon. Hindi rin kasi ako nagpaalam sa kanila. Baka nga hinahanap nila ko eh. Pero malas ko, walang ni-isa nag seen sa message ko sa group chat. Patay, saan na ako matutulog nito?

Lumagpas na nga ako sa curfew ng dorm, dahil hindi ko namalayan ang oras.

"Salamat po, Manong." Sabi ko kay Kuya ng makababa ako sa tapat ng dorm. Ngumiti na lang ito sakin bago ako pumasok sa dorm.

Chineck ko ulit ang phone ko pero wala pa ring nag-seen. Hindi sila online, tinext at tinawagan ko na rin ang iba kaso, wala naman akong nakuhang response. Shit, paano ako nito?

Umupo na lang ako sa bench na nandito sa labas ng dorm. Lumipas ang ilang oras at umambon na. Lumakas pa lalo ito, umuulan na. Habang lumilipas ang oras ay lumalamig na. Niyakap ko naman ang aking sarili dahil sa malakas na hangin na bumabalot sa akin. Nagulat naman ako ng biglang kumulog. Hindi naman ako takot sa kulog pero it somehow terrifies me, lalo pa at mag-isa ako sa labas. Umaangi rin dito sa pwesto ko dahilan kung bakit nababasa ako. Halos yakap yakap ko na ang buong sarili ko pero nilalamig pa rin ako.

Kahit na nanlalamig ay sinubukan ko paring kunin ang cellphone ko. Bahala na, lulunukin ko na ang pride ko.

To: Ara Galang

Uhm Ara? Nandito ako sa labas ng dorm. It's lock. Na-late ako ng uwi kaya inabot ako ng curfew. Buksan mo sana ako. I hope your still awake. :)
sent.


Ara's POV

Tumingin ako sa wall clock, 1am. Shit, Mika Reyes ala-una na. Where the fuck are you? At this time, i should be sleeping instead. But i can't. Wala pa kasi si Mika. Kanina pa siya nawawala and i am fucking worried about her. Umuulan na rin sa labas.

Kung aalis 'man siya, hindi pa magawang magpaalam. Hindi niya ba alam na may nag-aalala sa kanya? Kahit naman wala na kami, nag-aalala pa rin ako. Bahala na, isasantabi ko na muna ang pride ko. Hindi na ako mapakali because of you, Mika Reyes!

But before i can even reach for my phone, it vibrated. They might be a message or something. I was right, it's from Mika.

From: Mika Reyes

Uhm Ara. Are you still awake? Pagbuksan mo naman sana ako ng pinto. Na-late ako ng uwi kasi party ni Jessey and...

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa dahil agad na akong tumakbo pababa. Pinagbuksan ko siya, ng makita ko ang anino niya ay bigla ko na lang siyang niyakap. I don't know pero i felt like i needed her warmth. I missed her. Wala na akong pakialam sa pride ko, gusto ko siya, i want to feel her again. I want her in my arms with our hands intertwine.

"A-ara..." Mahina niyang bulong at tila parang kakalas sa yakap, ngunit hinigpitan ko ito, ayoko. I don't want her to let go.

"Pwede bang... ganito lang muna tayo?" And with what i said i know it has a different meaning. And i hope, Mika gets it.

Ara and i just stayed like this. We're hugging, and it looks like she don't want to let go. Nagulat lang ako kasi, she was never like this except nung kami pa. Simula nung nag-break kami, she turned into this cold person. Hindi niya ako kinakausap, parati akong binabara kahit sa mga simpleng biruan lang, maliit na bagay pinapalaki niya, sa training dahil nga team captain siya may advantage siya sa pagpapahirap sa akin, pinamukha niya talaga sakin na hindi siya nasaktan nung wala na kami, and she really is good pagdating sa pataasan ng pride.

And with what's happening right now, ewan ko ba, hinayaan ko na lang siya. Because somehow, i missed her. Namiss ko ang mga yakap at halik niya. She was literally my everything. Pero noon na yun. Nakalipas na, baka kasabay ng pagbabago niya, ay kasabay rin ng pagbabago ng nararamdaman ko.

Sa yakap niya, may kakaiba, it has a different warmth na sa kanya ko lang nararamdaman, a feeling i can't explain when i'm in her arms. Ngayon na lang ulit nangyari 'to after our 2 year break up.
And now... i feel confused.

Flashback

"Ayaw mo na dahil pagod kana?" Sigaw ko kay Ara. I don't understand her.

"Yes! I am tired! Pagod na pagod na ako sa relasyon na 'to and i don't know what to do with this anymore!"

"Yun lang? Sa dahil pagod kana? Paano naman ako? Ilang beses na akong napagod, and you don't know how many times i tried to not give up on you kasi ayoko ngang sukuan ka. Ayokong mawala ka. And the voices in my head kept on saying that dapat kitang iwan, you don't know how many times i ignored those. Para sayo, ginawa ko. Kasi mahal kita."

"Mika, i'm sorry pero... I can't do this anymore. A-ayoko na..." And with that, she left. I just cried and cried until their are no tears left to cry.

End of Flashback

Nung sinabi niyang pagod na siya, nasaktan ako. Pero alam ko sa sarili ko na kung sakali 'man na bumalik siya, i wanted her to know na hindi ako napagod. Mapapagod lang, pero hindi ko   siya susukuan.

"Mika... i know sinabi ko noon na napagod ako. Siguro... hindi sayo. Kundi sa sarili ko... pakiramdam ko kasi... hindi mo ako deserve. Kaya noon, i chose to let you go. Pero nung isang beses nakita kitang kasama si Jerome, masaya ka noon, parang i wanted to kill myself that time for letting you go because i was so stupid to realize that i can't see you happy and in love with someone else. Mula noon at hanggang ngayon, Mika.... believe me... mahal kita. Ikaw lang... at mananatiling ikaw, mahal ko." She broke the hug and look into my eyes.

"I promise you, mahal ko. Hindi na ako muling mapapagod sayo, sa atin." A tear fell down on my cheek. Ara kissed me.

"Gusto ko ako ang kasama mo sa mga araw na masaya at malungkot ka, gusto kong ako ang kayakap mo sa maulan na gabi, gusto kong ako ang kasama mo sa pag-abot mo ng mga pangarap mo, gusto kong ako ang kasama mo sa hirap at ginhawa, gusto ko ako ang taong maghihintay sayo sa harap ng altar, gusto ko ikaw ang magdadala ng apilyedo kong 'Galang'. At sana, kasama ako sa mga pangarap mo, Mika."

"Ikaw ang pangarap ko, Ara. Ikaw rin ang gusto kong maghihintay sa akin sa harap ng altar. I want to have a lifetime with you." Naiiyak kong sabi. She cupped my face and rested her forehead on mine.

"Pangako, hindi na muling mapapagod sayo, mahal ko."

"Pangakong hindi ka susukuan, mahal ko."

And we shared another passionate kiss.



_______________________________________

Di ko alam pero masyadong korni 'ata ang chapter na'to para sakin, ewan ko lang sainyo HAHAHAHAHA basta may ma-update lol🤪

Vote and comment luv u!!!❤️

Let's take it a shot? //KaRaWhere stories live. Discover now