Speak Now

185 9 2
                                    

"Uy guys may kumakatok 'ata sa pintuan. Buksan niyo." Pag-iinterupt naman ni Cienne sa paglalaro namin ng uno cards. "Ikaw na magbukas. Tutal ikaw naman nakarinig." Sabat naman ni Kim na naging dahilan kung bakit nainis si Cienne. Agad naman itong inawat ni Jessey.

"Hey, stop fighting you too! Anyways, Kim is right, ikaw nakarinig then you open it!" Natatawang sabi ni Jessey kaya napairap na lang si Cienne. "You know what–"

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil inunahan na ni Mika ito, "Ako na. Mag-aaway pa eh." Saway naman nito, sabay tayo at lumakad papunta sa pintuan upang buksan ang kung sino 'mang kumakatok.

Pagbukas naman ni Mika ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang delivery boy.

Wala naman akong binili online, ah?

"Good afternoon, ma'am. Letter po pala para sainyo, from Ms. Ara Galang po." Sabi nito sabay abot ng sobre na may sulat sa loob.

Ano raw? Kay Ara?

Punong pagtataka ang nasa mukha ni Mika at hindi na nakapag-salita sapagkat naiwang tulala doon sa sulat na hawak-hawak niya.

"Ma'am? Ayos lang 'ho ba kayo?" Sa sinabing iyon ng lalaki ay napabalik na sa wisyo si Mika.

"A-ayos lang ako. Thank you." Sagot nalamang nito at ngumiti. Sapagkat iyon ay pilit. Hindi niya alam ang dapat na maramdaman dahil na rin sa pagtataka at sa halong confusion.

Bakit naman magpapadala ng sulat si Ara?

"Sige 'ho ma'am. Mauuna napo ako dahil may kailangan pa po akong ideliver na sulat sa kabilang building."

Ano kaya ang laman ng sulat na'to?

"Ma'am? Eh, ayos lang 'ho ba talaga kayo?"

Para sakin ba talaga ang sulat na'to?

"Ma'am! Ayos lang 'ho ba kayo? Bigla kasi kayong namutla. Ano po 'bang nangyayari sainyo?" Hinawakan na ng batang lalaki si Mika dahil sa hindi ito sumasagot at mukha pang namumutla.

"H-ha?" Muling bumalik sa sarili si Mika at hinarap ang lalaki.

"Ma'am, ang sabi ko po, aalis na ako. Salamat po." Sagot naman ng binata at ngumiti ng abot tainga.

"S-sige, salamat." Tugon ni Mika bago sinara ang pintuan. Napasandal ito sa likod ng pinto at napaisip muli.

3 years... na ang nakakalipas simula ng mawala ka, Ara. Tapos 'eto ka ngayon, magpapadala ng sulat na wala akong alam kung ano. Sulat nga ba 'to? Para saan pa kung papadalhan mo ko ng sulat kung may messenger, email, at viber ka naman. 'Ano ba Mika, kung ano ano na lang pinag-iisip mo! Kung binubuksan mo na lang kung ano ang laman ng letseng sobre na yan. Edi sana natapos na pag-ooverthink mo.'

Para nga matapos na ang mga bumabagabag kay Mika ay dahan-dahan niyang binuksan ang sobre at makita ang laman nito. Nang makita na niya iyon ng tuluyan ay unti-unting nawawasak ang puso ni Mika. Sunod sunod na rin ang pag-uunahan ng mga luha ni Mika pababa sa kanyang mga pisngi. Pinipigilan niya ang paghikbi ngunit di niya lubusang magawa dahil sobrang sakit.

"Hey Miks, ang tagal mo naman bumalik. Ano ba yan?" Tanong naman ni Cienne na ngayon ay nasa harapan ni Mika. "Teka, umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi sumagot si Mika, kaya't namataan niya ang sulat na hawak hawak nito. Agad niya iyong kinuha at binasa.

Let's take it a shot? //KaRaWhere stories live. Discover now