Synopsis

2.1K 57 45
                                    

Palagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armour na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng durog na puso.

Paano kung ang lalaki naman ngayon ang nasaktan, nadurog, at kailangan ng tagapagligtas? Paano kung sila ang knights in distress? Ano ang gagawin nila kung sila naman ang nalugmok at kailangan ng mag-aahon sa dilim pinagsadlakan sa kanila ng pangit na karanasan sa pag-ibig? May darating bang damsel in shining armour?

Isang mabait na anak at matalinong tao, kabaligtaran naman siya pagdating sa pag-ibig. Harapang niloloko ng kanyang kasintahan ngunit pikit-mata niyang tinatanggap kahit na malayo siya sa pamilya niya. Ilang beses pa niyang lulunukin ang kanyang pride bago siya magising sa katotohanang hindi naman siya totoong mahal ng kanyang iniibig?

Isang umaga, nagising na lamang siyang tapos na ang lahat para sa kanya. Pagod na siya at wala nang nararamdaman para sa kasintahan. Kaya napagpasiyahan niyang tapusin na ang lahat.

Isang matalinong tao at mapagmahal, at pagdating sa pag-ibig ay buhos-buhos siya. Nasaktan nang niloko at hiwalayan ng nag-iisang babaeng tanging minahal, upang matuklasan lang na may iba na pala ito at matagal na siyang niloloko.

Ilang beses pa ba niya ipagwawalangbahala ang mga senyales na matagal na niyang nakikita? Sapat na ba ang pag-ibig niya para mapanatili ang abaeng mahal sa kanyang piling?

Isang umaga, nagising na lamang siyang wala na ang babaeng minamahal. Hindi niya ito matanggap. Ipaglalaban pa rin niya ito kahit harap- harapan na siyang niloloko nito?

Si Teacher Maine at Doc Alden ay pinagtagpo ng tadhana sa hindi inaasahang pagkakataon. Dalawang taong may kakaibang pinagdaanan sa pag-ibig na pinagkrus ang landas ng isang manipis na dingding at apartment dumpster.

Parehong nagmahal, isang natauhan at isang nabigo. Parehong niloko ngunit ang isa ay hayagang bumangon at ang isa ay nagkukubli.

Parehong umibig, parehong niloko, parehong sinaktan, isang nagising sa katotohanan at isang hindi makausad.

Parehong umibig, parehong niloko, parehong sinaktan, isang nagising sa katotohanan at isang hindi makausad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

When He Cries
©️All Rights Reserved
February 16, 2020


When He Cries©️All Rights ReservedFebruary 16, 2020

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
When He CriesWhere stories live. Discover now