18: Relieved

629 58 9
                                    



Nang gabing yun, matapos ang hapunan sa bahay ng mag-asawang Williams ay hindi na sila nagkausap pa ni Alden. Nagkaroon ito ng sunod-sunod na emergency call sa ospital ang ilang araw na ring doon natutulog ang binata sa physician's quarter. Ilang araw na rin ang nakalipas simula noon.

Naging maayos ang meeting, wala nang Mina at Dirk na manggugulo pa sa kanya at maayos na maayos na rin ang sitwasyon ni Paolo. Nakapag-adjust kaagad ito sa pagtuturo.

Biyernes na naman bukas, plano niyang umuwi sa kanila sa Bulacan pagkatapos ng klase ay didiretso na siya para maka-bonding naman niya ang pamilya. Babalik na lang siya sa lunes ng umaga, diretso na ng school.

Inayos niya ang mga gamit sa sala at kusina para kahit papaano ay mapagod siya at antukin na. Natapos na lang siya't lahat-lahat ay ganun pa rin, gising na gising pa rin siya. Nandiyang maglampaso siya ng sahig sa sala, mag-mop ng sahig sa kusina, nagpunas ng mwebles at pasimano, pumasok sa kwarto at doon naman naglinis, pati ang banyo nila ay nadale na rin ng linis, alas dos na ng madaling araw. Eto siya, kahit na anong gawin niya ay hindi pa rin dalawin ni Haring Antok sa kaiisip ng mga bagay-bagay.

Lumabas uli si Maine sa kwarto niya para ipagtimpla ng mainit na tsaa ang sarili. Tahimik siyang bumaba diretso sa kusina at maingat na kumilos.

Kaharap ang coffee machine, kung saan niya idinaan ang pagpapainit ng tubig, muli siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. Tama nga bang mahulog siyang muli sa pag-ibig ng ganito kabilis? Hindi pa ba siya nadadala? Parang ganito din noong magsimula sila ni Dirk, mabilis din, pero hindi ganito katindi ang nararamdaman niya noon kumpara sa nararamdaman niya ngayon para kay Doc Alden.

Ang talagang nakapagpapagulo ng isip niya ay ang bilis ng niyang pagkahulog niya ngayon kay Doc Alden kumpara kay Dirk noon na inabot ng maraming buwan. Eh eto, maraming araw lang eh.

Nakilala niya si Dirk sa isang common friends nila. Tahimik lang si Dirk noon pero kita mo ang nararamdaman nitong sakit kahit hindi mo pa natititigan ito sa mga mata. Dirk shows his emotions as he walks in the room. Isa siya sa mga taong hindi pa man nagsasalita ay alam mo na ang nasa isip at kalooban nito.

Naging malapit si Dirk sa kanya nang hindi niya inaasahan, at kalaunan nga ay halos di sila mapaghiwalay na dalawa. Unti-unti ay nakikitaan na ng kasayahan si Dirk. Unti-unti, naging masayahin na rin itong katulad ni Maine, carefree at palaging nakangiti.

Niligawan siya ni Dirk, hatid-sundo sa school, sa OJT niya, dadalaw sa bahay nila. Kadalasan ay sabay silang nagsisimba. Kahit saan niya gustong pumunta noon ay dinadala siya nito basta wala silang pasok pareho. Matapos ang ilang buwang ligawan ay tinanggap na niya ang binata at naging sila na nga. Nung umpisa ay masaya pa sila, palagi pang nakakasama sa mga lakad ng kani-kanilang kaibigan, sa mga gimik, taposu ti-unti ay silang dalawa na lang palagi.

Matapos ang halos isang taon na magkasintahan sila ni Dirk ay unti-unti na silang hindi nakakasama sa mga lakaran ng grupo o ng kani-kanilang kaibigan o mas magandang sabihin na siya ang hindi na nakakasama sa mga kaibigan niya. Marami nang dahilan na naiisip si Dirk hanggang sa nagkaroon na ng agwat ang mga kaibigan niya sa kanya at sa bandang huli nga ay lubusan na ngang nawala ang mga ito sa kanya.

"Mga pakialamero kasi." Yan ang naging sagot ni Dirk nang minsan niya itong tanungin.

"Hindi pakikialam yun, nagmamalasakit lang sila sa atin dahil mga kaibigan natin sila." Pagtatanggol niya sa mga ito. Sumimangot si Dirk sa sinabi niya.

"Nagmamalasakit? Hindi nga sila masayang nakikitang masaya ka na kasama ko." Isa sa mga isinasagot nito sa kanya ng minsan niyang sinubukang maki-reconnect sa mga ito.

When He CriesWhere stories live. Discover now