WHC 2: Discovery

1K 73 41
                                    




Maaga pa lang ay gising na si Maine. Nasa banyo na siya ngayon at naliligo. Patapos na siya nang may marinig na naman siya mula sa kabilang unit.

“You’re a heartless temptress! I gave you everything, lolokohin mo lang pala ako!” Tapos sinundan ng pag-iyak. Unti-unting pinatay ni Maine ang shower para mas lalong mapakinggan ang kapit-apartment niya.

“Sino ba talaga ang taong ito? Bakit kaya parang ang tindi naman ng sakit na inabot niya?” Pabulong-bulong na tanong ni Maine na alam naman niyang hindi yun masasagot. "Napaka miserable naman yata ng buhay nito." Dugtong pa niyang iiling.

Isang malakas na paghagulgol at paghikbi ang nagpabakik sa kanyang sa kasalukuyang pakikinig. Pakiramdam tuloy ni Maine ang tsismosa niya dahil ang nipis-nipis ng dingding na pagitan nila ng kakapit-apartment niya.

Kakausapin niya si Jackee mamaya. Itatanong niya dito kung gaano ba kakapal ang bawat dingding sa apartment ng mga magulang nito para marinig niya pati ang paghikbi ng kakapit-apartment niya.

Lumabas siya ng shower at nagpatuyo na ng buhok at ibinalot ito sa tuwalyang ginamit. Kumuha din siya ng panibaging twalya na ipinampunas sa katawan at itinapis sa sarili bago bumalik sa kwarto niya.

Sa harap ng salamin ay tinitigan niya ang sarili. Nagulat pa siya ng mapansing wala siyang dark circles na palagi niyang nakikita na itinatago na lang ng concealer at parang ang haba ng naitulog niya kanina kahit na ala-una na siya nakatulog at alas singko naman siya nagising ngayon.

Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang napansin sa sarili at nagtuloy sa paglalagay ng lotion sa katawan. Ginawa na niya ang dapat niyang gawin bago isuot ang pangsimbang damit, simpleng bistida na may maliliit na bulaklak.

Bago siya tumuloy magsimba ngayon, plano niyang idaan kay Dirk ang binder nito para ito na ang gagawa ng sariling lesson plan mula ngayon at hindi na siya. Alam niyang nag-iinarte ito pero tama si Jackee, it's about time na ibigay niya sa sarili ang oras na para sa kanya lang.

Naisip niya na tama nga si Jackee, nagmumukha na siyang tanga dahil sa pag-ibig niya kay Dirk na kung tutuusin ay matagal nang tumalon ito sa bintana kasama ang lahat ng sama ng loob niya sa mundo na walang basehan.

Nakasanayan na lang siguro niya ang presensiya ng binata kaya kahit na parang one-sided lang pagmamahalan nilaung ay kung May side pa nga ba ang pag-iibigan nila ni Dirk. Maaari din sigurong naging komportable na lang siya na sabihing boyfriend niya ang binata.

Matapos magbihis ay tinawagan niya kaagad si Jackee na inabot ng sampung taon bago ito sumagot sa kanya.

"Ang Tagala sumagot?" Patutsada niya dito na ibinungisngis lang naman ng dalaga.

"Gadali guid?" Pagtataray naman nitong sagot na ang ibig sabihin ay "nagmamadali talaga?" Nagpatuloy ito sa pagbungisngis na ikinahawa niya.

“Besh, dadaanan kita mamaya, sabay tayong magsimba.” Pambunga pd niya dito na wala man lang pa-good morning sa kaibigan.

“Ay, tinakasan siya ng good manners and right conduct?” Balik-bati nito sa kanya na ikinabungisngis niya. “Good morning to you, too.” Patutsada nitong sabi na ikinatawa niya.

“Ewan ko sa’yo. Ang daming sinabi?” Natatawa pa rin sagot ni Maine. “Mag-ready ka na nga, gagawa lang ako ng kape ko tapos aalis na rin ako.” Dugtong niya.

“Pwedeng gawan mo rin ako ng famous chocolate coffee mo na may raspberry flavoring?” Malambing nitong sagot. Alam niyang yun ang paborito ni Jackee, pero kapag ito ang gumawa ay nagrereklamo itong hindi ka-lasa ng gawa niya.

When He CriesWhere stories live. Discover now