Simula
"Hindi puwede, Yohan!" sigaw ni Aria nang nakita akong hinahawakan ang isang kuting.
Makulimlim ang hapong iyon at nakita ko na lang ang isang kuting hindi kalayuan sa gate ng school. Naghihintay ako sa SUV namin at sa paglabas ng pinsan kong si Aria galing sa Junior High. Maaga ang labas ng mga grade six kaya kanina pa ako rito.
"Pero..."
"Dali na! Gusto ko nang umuwi! Iwan mo na 'yan diyan!"
Maliit na maliit pa ang kuting. Base sa alam ko, hindi pa yata iyon nag-iilang buwan. Mag-isa siya sa shed at nanginginig ang bawat yapak ng paa. Marumi rin siya ng kaunti, siguro'y nalapit sa putik hindi kalayuan sa shed.
"Hay naku! Ipapalayas din ni Mommy 'yan! Sige!"
Ngayon pa lang, parang alam ko na ang mangyayari kung iuuwi ko ang kuting. Ayaw ni Tita na mag-alaga ng kahit anong hayop sa mansiyon kaya simula nang namatay si Daddy, hinayaan na lang din nila ang mga asong alaga nito hanggang sa namatay. I did my best to fight for them but Tita just doesn't want to do anything.
"Pero kawawa kasi..."
Humalukipkip si Aria at umirap. Nawala ang atensiyon niya sa akin nang dumaan ang ilang kaklase. Sinamantala ko iyon para muling buhatin ang kuting at nagmadali nang pumasok sa campus.
Somehow, I relate to abandoned animals. I was very young when Mommy died from a car accident. Dad was all I have until two years ago. He was taken away from me through a sudden heart attack. He was a heavy drinker and smoker simula noong namatay si Mommy. He ignored the calls of the doctors and didn't want to get treated. His death was a big deal to the whole Negros Province. Hindi lang dahil malaki ang ipinapasok na pera ng azucarera namin sa lalawigan, kundi marami na ring magiging pagbabago sa politika rito.
My father was a local tyrant. Despite that, he was a good father to me. Mahal na mahal niya ako, hindi nga lang niya maitago ang pagluluksa sa pagkawala ni Mommy. Kaya naman, it hurt me so much to know that people from this town, Altagracia, and the whole of Negros were almost happy that he's dead.
Masyado pa akong bata para maintindihan ang kahit ano noon pero ngayon, unti-unti ko na ring nalaman kung ano talaga ang mga nagawa ni Daddy sa bayan.
He fired workers that protested. Sa maliliit na sahod at sa contractual na mga factory workers. He maligned the local government officials that disobeyed him, making everyone in Negros vote for whoever he wanted to be elected instead. There was corruption in his time, and many more other crimes.
But then he was a good father to me. He was the only family I had. Nariyan sina Aria at marami pang extended family namin pero dahil sa galit nila kay Daddy noong buhay pa ito, malayo sila sa akin at hindi ako lumaking malapit sa kanila.
Ngayon lang talaga kami nagkalapit ni Aria. Her family moved in to our mansion since I am all alone with all our housemaids. My father's will indicated that I am the only heiress of the whole azucarera. I can help with the paperworks once I reach eighteen and assume the highest position when I'm twenty one.
At ngayong nasa ikaanim na baitang pa lang, pansamantalang ima-manage ni Tita at Tito ang azucarera. It's a big factory and without anyone to manage it, it's a big blow to the economy of Negros.
Nilapag ko ang pusa sa maliit na toilet sa likod ng gym. Iyon lang ang nakita kong puwedeng paglagyan niya. Sa tabi'y isang lababo. Mabilis kong binuksan ang gripo at isinalod ang tubig sa kamay para maipainom ang kuting.
The kitten was a mix gray and white. Sobrang liit pa at halos hindi pa nakakakita ng maayos.
"Drink," I said.
BINABASA MO ANG
Hold Me Close (Azucarera Series #3)
RomanceJosefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pangalan at nasanay na siya roon. Now that her father's dead, everyone bullied her more. The people of...