Kabanata 16
Date
Hindi natanggal sa isipan ko. Kahit na naligo rin ako kasama ni Aria at Noel sa bahay, paminsan-minsan akong natutulala kaiisip sa nangyari sa convenient store.
His image flashed on my mind. Both when he looked at me and also, when I looked at him on the shelves. He really looked gorgeous. He looked so serious, and mature. His lips were quite red and his eyes sharp.
Hindi ko pa nasasabi kay Aria iyon dahil iniisip ko pagtatawanan niya na naman ako. At hindi ko rin alam paano sasabihin pa sa kanya iyon. Hindi na namin napag-usapan pa si Alvaro.
It was the first week of school and I am doing very well. Nakakasalamuha ko nang mabuti ang mga kaklase ko. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba iyon kay Noel pero may kasama na akong mag lunch.
"Grabe ka! Taga Bacolod pa talaga ang manliligaw mo!"
Tinawanan ko iyon. "Ah. Hindi ko manliligaw iyon. Friend lang."
"Sus! Humble ka pa e nakita kayo ni Ate. Sabi niya parang may something daw talaga sa inyo! Gwapo daw!"
"Oo. S-in-earch ko sa Facebook! Ang guwapo!!!"
"Talaga? Patingin?"
Nagsitayuan sila at tiningnan ang cellphone ng katabi kong classmate. I smiled as I watch them check out Noel's pictures. Natatawa ako tuwing iniisip na ikuwento sa kanya ang mga reaksiyon ng taga rito.
"Ang guwapo!'
"Hala, bagay kayo, Yohan?"
"Ah. Magkaibigan lang kami."
"Pa humble pa."
"Yohan," may nakatayo sa likod ko.
Napabaling ako at nakita si Angelo. He had been kind to me since the intrams but we are not classmates anymore this year.
"O?" Napatingin ako sa likod niya, naroon ang ibang mga kaklase namin noon na tinutukso ako.
"Nanliligaw ba si Kuya Noel sa'yo?"
Tumawa ako at umiling. "Hindi. Magkaibigan lang kami, Angelo."
Bumaling si Angelo sa mga kaibigan niya. Kumunot ang noo ko, hindi maintindihan kung bakit parang pinaalam niya lang doon. May iilang nagtutulakan at may isa pang umatras.
"Sigurado ka? Sabi may gusto raw sa'yo? O baka binasted mo?"
Tumawa ulit aiko. "Hindi, Angelo. Magkaibigan lang talaga kami ni Noel."
"Naku! Baka papaasahin lang kayo nito!" si Angelo sabay baling sa mga kaibigan.
My eyes widened. I didn't expect that. Nagtawanan sila at natawa na rin ako.
Kakaiba ang tawanang iginawad na iyon sa akin. Halong pagkakaaliw at katatawanan iyon, isang bagay na madalas ko nang matanggap sa ibang classmates man o schoolmates ngayon.
It made me forget the things that bothered me vacation of that year. It made me forget about that one minor encounter with Alvaro.
Sa taong ding iyon, nakatanggap ako ng manliligaw. Hindi ako makapaniwala nang binasa ko ang sulat nito. I didn't know him but he's my grade. At sinulatan ko naman siya pabalik. Hindi ko naman siya kilala kaya naisip kong hindi ko siya masasagot.
I just told him politely that I want us to be friends first. I don't know him yet so I can't say yes to it.
At mukhang ganoon yata ang iniisip ng ibang lalaki. Dalawa, tatlo na ang nanligaw sa akin na sa pangalan ko lang kilala. Ang isa'y ngayon ko lang nga nakilala.
BINABASA MO ANG
Hold Me Close (Azucarera Series #3)
RomanceJosefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pangalan at nasanay na siya roon. Now that her father's dead, everyone bullied her more. The people of...