Kabanata 27
Respect
I am still sure about rejecting him. I chanted that on my mind.
Inisip ko ang ginawa niya noon. He didn't know that I was there listening to his answers to those question. Hindi niya rin kasalanan kung totoo nga ang nararamdaman niya noon - na hindi niya ako gusto. I was young, ugly, and a Valiente. Pero ayaw ko nang masaktan. I've struggled through the years, overcoming what happened, and forgetting him. I can't deal with it again.
"Umuwi na kasi si Chantal kaya may mga plano nang ganito," ani Aria sa hapag, pinag-uusapan nila ni Romulo ang mga events na paparating.
Napatingin siya sa akin at nakita ang kuryosidad sa mga mata ko.
"Para 'to sa homecoming."
"Ah. Pero hindi ba, matagal pa 'yon?" tanong ko dahil tinutukoy niya ang mangyayari ngayong weekend na.
Tumango siya.
"Pero gusto kasing mag reunion na rin ang batch namin na kami-kami na lang muna, kasi sa Homecoming, lahat na."
"Mayroon din sa mga players, 'di ba?" si Romulo, naalala ko ang sinabi ni Soren kay Alvaro.
"Oo, meron din. 'Tsaka mapapadalas ang pagkikita ng mga class officers dahil sila ang magpaplano sa ilang reunion at sa homecoming kaya baka nandito sila mamaya..."
I remembered Alvaro saying that he will come to the shelter later and bring Kuring. Hindi ko alam na pupunta pala talaga siya rito mamaya.
I am not sure how I feel about us seen by some of his friends. Hindi ko siya sasagutin, hindi ba? Mas magandang hindi na malaman ng mga kaibigan niya na nanliligaw siya kung ganoon nga ang gagawin ko.
"Pupunta si Alvaro mamayang gabi rito. Kasama ilang kaibigan namin. Para 'to sa basketball players na reunion. Hindi ako kasali pero nakiusap sina Daniel at 'yong manager nila na dito na."
"Ah. Kaya siguro nagsabi siya na dadalhin niya si Kuring," sabi ko para hindi na magtaka si Aria mamaya.
"Oh. Nagkakausap kayo?" she smirked.
I sighed. "Nag-adopt siya sa shelter kahapon ng pusa. Iyon lang."
"Hmm..."
I laughed it all off. "Hindi ko na siya gusto, Aria. Hindi na ako tulad noon."
Hindi na rin naman siya nang-intriga kaya natahimik na ako. Umalis na ako para sa trabaho.
Alvaro was already in the shelter when I arrived later that afternoon. Dala niya na si Kuring at kanina pa yata naghihintay sa upuan.
I smiled formally and took Kuring out of his hold. I held him for a while. Nasa counter na.
"Ah, may dala nga pala akong merienda," si Alvaro.
Napatingin ako sa isang paper bag sa tabi ng counter na hinawakan niya. Nagkatinginan kami. He smiled, a bit proud of his gift.
"Nakapagmerienda na ako sa office."
Dumaan ang pagkadismaya sa mukha niya. "Dalhin n'yo na lang sa inyo mamaya."
I stared at it for a while before I nodded. Sa likod niya, may isang batang may dalang aso. Lumipat na ang mata ko rito.
Mabilis na bumaling si Alvaro roon bago siya tuluyang tumabi. He smiled shyly.
"Dito na lang ako sa sofa muna."
I nodded but I remembered something. "Puwede ka nang mauna. Hindi ba may meeting kayo? Ngayon na 'yon, hindi ba?"
I remember when Aria said that they'll start early. Malapit nang mag alas singko.
BINABASA MO ANG
Hold Me Close (Azucarera Series #3)
RomanceJosefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pangalan at nasanay na siya roon. Now that her father's dead, everyone bullied her more. The people of...