MY GIRLFRIEND WANTS ME TO DATE OTHER WOMEN

253 10 1
                                    

I have a girlfriend, and I'm planning to break up with her because she's so clingy.

Every time we walk together, she's always holding in my hands, arms, and even in my shirt.

Sometimes, I caught her staring at me, and then she'll kiss me out of a sudden, but most of the time, she's always wanted to be with me.

Like now, she's here at the gym sitting on the bleachers while watching at us having our training for our game this coming valentine's day.

"Break muna kayo, guys!" Sigaw ni coach sa amin at agad naman akong lumapit sa kanya.

"Love, oh." Sabi niya sabay abot sa 'kin ng isang bottled water habang pinupunasan niya 'yong mga pawis ko. "Dapat palagi kang may dalang tubig lalo na't pusposan 'yong training niyo."

"P'wede namang bumili." Sagot ko sa kanya.

"Pero love, mas nakakatipid kasi kapag magdadala kana lang ng sarili mong tubig."

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumingit sa usapan namin 'yong mga ka teammates ko.

"Naks! Napakatamis naman talaga ng pagmamahalan nila."

"Binibaby na naman siya ng girlfriend niya."

"Oo, nga. Nagpapaka under na naman si Miguel sa jowa niya haha." Mapang-asar na sabi nila sa 'kin.

Agad ko namang kinuha sa kamay ni Angel 'yong towel na ginamit niyang pamunas sa pawis ko. "Ako na."

"Ako na, love. Hayaan mo na lang yan sila, mga walang jowa kasi 'yang mga yan haha." Sabi niya sabay hablot ng towel na hawak-hawak ko kaya hinablot ko ulit.

"Ako na, Gel."

"Love, ako na para mapunasan ko 'yong lik---"

"Sabing ako na eh! Tangina, hindi naman ako lumpo!" Napasigaw na 'ko dahil sa sobrang inis.

"S-sorry, love. Ikukuha na lang kita ng p-pamalit mong damit, wait." Sabi niya at agad na tumalikud sa 'kin pero bago niya pa mabuksan 'yong bag ko ay napigilan ko na siya

"Gel, mauna kana lang umuwi sa inyo dahil mukhang gagabihin pa kami dito."

"Ayos lang, love. Hintayin na lang kita para sabay na tayong umuwi dahil baka mag pass out ka na naman bigla habang pauwi ka sa inyo." Pagdadahilan niya sabay dampi ng mga kamay niya sa noo't leeg ko. "Tingnan mo oh, ang taas pa rin ng lagnat mo ngayon."

Binuksan ko 'yong cellphone ko para tingnan kung anong oras na and it's already 5:17 pm.

"Gel, malapit na 'yong curfew mo kaya mauna ka nang umuwi dahil baka pagalitan kana naman nila Tito."

"Pinalitan mo pala 'yong wallpaper at locked screen mo?" Tanong niya sa 'kin habang nakatingin pa rin sa cellphone ko kaya dali-daling pinatay ko ito.

"Y-yeah, pero ikaw pa rin 'yon. Ibang picture nga lang." I lied.

She didn't response on me instead she keep staring at my eyes.

Kinabukasan nagising na lang akong sobrang bigat na ng pakiramdam ko na kahit igalaw ko 'yong mga kamay at paa ko ay hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina kaya tinawag ko na lang si Mama but just like what I've expected iba 'yong pumasok sa kwarto ko.

"Good morning, love. Masama pa rin ba 'yong pakiramdam mo?" She asked me habang tinutulungan niya akong maupo sa kama.

"Yeah."

One Shot  Stories (COMPILATION)Where stories live. Discover now