"DOES LONG DISTANCE RELATIONSHIP REALLY WORKS?"

32 0 0
                                    


I looked outraged at the young girl eating her ice cream, and I think she's around 11 to 12 years old. "Why'd you asked?"

"I'm just wondering lang po," she replied.

"I don't believe that long distance relationship works."

"Bakit po, kuya?"

"Because, How can you be so sure that s(he)'s serious about your relationship? What if, s(he)'ll fall in love with someone else who's not miles away from her/him? What if, magloko siya? What if, lokohin ka niya? And there's so many 'what if's' running through my mind, but..." I sighed. "She proved me wrong."

"Proved you wrong?"

I nodded at her. "Yeah, na hindi lahat ng magkalayo ay nagloloko. She always assured me na maramdaman kong mahal niya ako ako, at ako lang."

Damn, I miss her... so much.

"Flora! Ikaw talagang bata ka! Saan kana naman nagpupupunta? Akala ko ba bibili ka lang ng ice cream?"

"Nilapitan ko lang po si kuya..." She glanced at me with a questioning face.

"Jaried." I replied shortly.

"Kuya Jaried, because I saw him sad while sitting here in the bleachers."

I just stared at her habang nagpapaliwanag siya sa nanay niya, and I've noticed that she had a heart shape form of moles on her left neck just like my girlfriend.

"Iho, pasensya kana ha? Ganito talaga 'tong anak ko, makulit," her mother apologized on me na naging dahilan nang paglingon ko sa kanya.

"It's okay, she reminds me of my girlfriend," I force to put a smile on my face. "Please, take care of her."

"Nasaan ba 'yong girlfriend mo, kuya?"

"S-she's... she's miles away from me." I replied, while trying to holdback my tears.

"Pasensya na talaga, iho ha? At ikaw namang bata ka! Huwag ka ng maraming tanong pa dahil malilate na ako sa meeting namin."

After they left, I couldn't help not to be in tears because I miss her so much. I miss holding her hands, staring at her beautiful face, kissing her lips, hugging her for hours, talking nonsense topics, laughing at our corny jokes, and everything.

Walong buwan pa lang kaming hindi nagkikita ng girlfriend ko ay para na akong timang sa kakaisip sa kanya dahil hindi ako sanay sa ganito. Every month kasi pinupuntahan ko siya sa kanila at minsan siya 'yong pumupunta rito sa amin.

Yes, legal kami both side pero hindi naging madali 'yong pinagdaanan namin mapapayag lang 'yong mga magulang niya sa relasyon namin kasi ayaw ni Tito na mag boyfriend 'yong anak nila dahil baka mabuntis ko raw at mapabayaan 'yong pag-aaral ng anak nila—but we proved them wrong.

We focused more in our studies, and maintaining our high grades. We review together, doing our homework and projects together habang nakavideo call kami.

Damn, I miss seeing her smiles, and hearing her laughs.

I get back into my senses when my phone rang. So, I grab it inside on my pocket, and answer the call button.

"Ijo, nasaan kana?" tita Malia—my girlfriend's mother asked.

"Nasa airport pa lang po ako, Tita."

"Tawagan mo na lang ako kapag nandito kana sa Manila ha? Para masundo ka namin at makapunta ka agad dito sa hospital."

Nasa hospital ngayon 'yong girlfriend ko dahil at walong buwan na siyang comatose.

"Opo, salamat, Tita."

"Mag-iingat ka, Jaried," tita Malia said after she ended up the call.

Sakto namang pagkababa ni Tita ay tinawag na 'yong flight ko at habang naglalakad ako papasok sa loob ng eroplano ay lumalakas lalo 'yong kabog ng dibdib ko na pinaghalong saya, lungkot at inis. Masaya kasi makikita ko na naman siya, malungkot kasi alam kong ito na 'yong huling beses na makikita ko na siya at inis kasi ang unfair ng mundo.

Lumipas ang dalawang oras finally, I am here at the Makiti City at agad na akong dumiretso sa isang Mall para bumili ng mga gagamitin ko mamaya because I'm going to surprise her.

I buy candles, confetti's, roses, and ballons. Binili ko na rin 'yong kwentas na gustong gusto niya bilhin noon kaso ginipit ako kaya hindi ko nabili para sa kanya.

Matapos kong masiguradong nabili ko na lahat ng kakailanganin ko mamaya ay agad ko ng tinawagan si Tita para sunduin ako rito.

"Jaried, tapos kana ba r'yan? Papapasokin na namin sa loob si Flora." I nodded twice. "Sana maintindihan mo 'yong naging desisyon ng anak ko," tita Malia said sadly.

I smiled bitterly. "I'll try tita, a-alam ko namang ayaw niya talagang... p-pakasalan ako."

"Bubuksan na namin 'yong pinto ha?" Tumango lang ako bilang sagot.

Habang binubuksan nila 'yong pintuan ay nagsimula na akong patugtugin 'yong gitara.

"Ang awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man tong
Mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda~♪"

Hindi ko maiwasang hindi mapaluha kasi kahit anong gawin ko, I can't make her stay.

"Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda~♪"

Hanggang pangarap na lang ba?

Hanggang imahinasyon na lang ba talaga?

"Ibibili ng balot pag mahinang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda~♪"

Please, stay with me, love. I'm begging you.

"Sasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one~♪"

Nong nakalapit na siya sa 'kin at nakita ko na sa malapitan 'yong mukha niya ay napahagulhol na talaga ako ng sobra.

"L-loves na loves parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para sa akin ikaw parin
Ang pinakamagandang mama
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda~♪"

She's still beautiful kahit namumutla na siya.

"At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda~♪"

Hinagud ni tita 'yong likud ko. "T-tahan na Jaried, t-tama na."

"Love, w-walong buwan na tayong hindi n-nag-uusap at walong buwan na rin kitang hindi nakikitang d-dumidilat. Alam kong p-pagud na pagud kana. I know that you don't want to g-give up on us," I began calmly tying to hold back my tears. "N-nakakabaliw na. Nababaliw na ako kakapakinig sa mga records mo at para na akong t-timang na kakausapin ka kahit paulit-ulit lang naman 'yong mga sinasabi mo. Gustong gusto kitang pakasalan pero alam kong magagalit ka dahil ayaw mong matali ako sa'yo na hindi kana humihinga... Basta, mag-iingat ka palagi ha? Huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita kahit milya milya na 'yong layo natin sa isa't isa. Hihinga ako para sa'yo, love. I love you wherever you are, Flora," I continued and leaned down to kiss her lips.

"Sige na, ilagay niyo na 'yong anak ko sa kabaong."

One Shot  Stories (COMPILATION)Where stories live. Discover now