OWN TRADEMARKS

68 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nagbabasa ng possessive series habang yung boyfriend ko naman ay naglalaro ng mobile legend.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila dahil wala yung mga magulang niya at yung kapatid naman niya ay may project na ginawa sa bahay ng kaklase niya.

Habang nagbabasa ako hindi ko mapigilang mag imagine kasi naman napaka hot ng mga scenes ng possessive series.

"Babe." Tawag sakin ng boyfriend ko habang may nilalapag na kung ano sa may side table.

"Hmm..."

"Anong gusto mo?"

"Kahit sila Train Wolkzbin, Dark Montero, Lysander Callahan, Calyx Vargas at Lash Coleman lang po." Sagot ko sa kanya habang naka focus pa rin ako sa pagbabasa.

"Hayts! wattpad characters na naman? Eh, hindi nga 'yan nag e-exist at paniguradong mas gwapo pa 'ko sa mga yan." Sagot niya sabay hablot ng cellphone ko.

"ANO BA CLARK! AKIN NA YANG CELLPHONE KO!"

"No."

"ISA! TATAMAAN KANA TALAGA SA'KIN!"

"Pa'nong tamaan? Tingin?" Mapang-asar na tanong niya sa'kin.

"Ahhh gusto mo talagang sampulan kita ha?" Tumayo ako sabay dampot ko ng "I-ice cube? Bakit may i-ice cube dito?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo anong gagawin natin sa ice cube?" Nakangiting tanong niya bago lumabas ng kwarto.

D-don't tell me na gagawin niya sa akin yung ginawa ni Train Wolkzbin?

"CLARK, KUNG ANO MAN YANG B-BINABALAK MO M-MASASAPAK TALAGA KITA!" Pasigaw na banta ko sa kanya.

Maya maya pa ay bumalik na rin siya dito sa kwarto na may dala dalang tray.

"Babe, Peanut butter or Nutella?" Tanong niya sabay pinakita sa'kin yung Nutella at Peanut butter.

OH-MY-GHAD!

Magbasa at mag imagine ng mga scenes ng possessive series is okay, pero gawin yun?

IS NOT OKAY!

Because I'm not yet ready at malalagot talaga ako kaila Mama kapag nabuntis ako nitong gagong 'to.

"S-stop it, C-clark!"

"Stop from what?" Inosenting tanong niya habang binubuksan yung—wtf? a-apple juice.

"Clark, hindi na 'ko natutuwa!" At dahan dahan akong umurong palayo sa kanya pero ang loko dahan dahang lumapit sa'kin pagkatapos niyang magtimpla ng juice.

"Love, you need to choose one. Peanut butter or Nutella?"

"Babayagan na talaga kita peste ka!" Inis na sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag-atras at sa kasamaang palad hindi ko namalayang nasa may kama na pala ako at bigla niya akong pinahiga doon at dinaganan.

"C-clark, natatakot na 'ko s-sayo."

"Bakit ayaw mong pumili between Peanut butter and Nutella? Ha?"

Hindi ko na talaga nakayanang pigilan yung mga luha ko at napahagulhol na 'ko ng iyak.

"A-ayaw ko pang mabuntis, b-babe huhu."

"Pft* BWAHAHAHA n-nakakatawa 'yung HAHAHA m-mukha mo, babe."

"Putangina ka! S-seryoso ako huhu." Sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Lumapit siya sa'kin and then he kissed my forehead at bumulong. "Babe, relax. Hindi ko gagawin sa'yo yang mga iniisip mo."

"Eh, bakit pinapili mo 'ko between N-Nuttela and P-peanut butter? Tapos may I-ce cube, a-aple juice at c-cookies pa."

Pinitik niya 'yung noo ko.

"Kakawattpad mo yan!" Tapos napahagalpak na naman siya ng tawa.

"I HATE YOU!"

"I love you more hahaha kaya kita pinapili dahil yun yung ipapalaman ko doon sa tinapay at kaya may Ice cube, apple juice, at cookies akong dala kasi po mag memeryenda tayo."

"B-bakit hindi mo sinabi sa'kin agad?"

"Hindi ko naman inaakalang iba na pala yang iniisip mo at kung may balak man akong gawin yung mga nababasa mo sa wattpad hindi ko sila gagayahin 'no. Gagawa ako ng sarili kong trademark tsk!"

One Shot  Stories (COMPILATION)Where stories live. Discover now