Chapter 4

4.3K 163 6
                                    

William

THERE’S REALLY SOMETHING special about Bella that I couldn’t explain.

She’s very different from the previous girls na nakaka-one night stand ko.
I don’t know what I’m feeling right now.

I don’t believe in the sign of love. Pero ‘yong nararamdaman ko for Bella ay parang kakaiba.

Mabilis na akong nag-ayos ng sarili at agad sumakay sa kotse. Dahil hindi na ako mapakali na makita si Bella ngayon, agad kong pinaharurot ang sasakyan papuntang Dela Vega Corporation.

*****

Bella

I COULDN’T BELIEVE it na may trabaho na talaga ako ngayon.

Naikuwento ko na rin ito kay Rikaela kagabi dahil kilala niya ang pinasukan ko at ang magiging boss ko.

Kung alam mo lang, Rikaela. Siya ang ama ng batang dinadala ko.

Agad na akong nag-ayos ng sarili. Since wala pa namang binibigay sa akin na uniform si William, ako na muna ang maghahanap ng puwede kong suotin.

I wore a simple long sleeve na kulay black na fit na fit sa body ko. Sa pambaba naman, nagsuot ako ng kulay white na skirt.

Naglagay din ako ng light makeup para naman magmuka akong presentable sa harapan nila.

Ayoko naman na haharap ako sa napakaraming empleyado na dugyot.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nag-text ako kay Rikaela na huwag na munang pumunta rito sa bahay dahil baka gabihin ako.

Naghanda na ako para umalis. Lumabas na ako ng apartment at nag-abang ng taxi.

Mga ilang minuto lang ay agad din naman akong nakasakay.

Habang binabagtas ko ang daan papunta Dela Vega Corporation ay hindi ko maiwasan na hindi kabahan.

Pagkarating ko sa Dela Vega
Corporation ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mamangha sa ganda at sa laki nito.

Hindi mo maipagkakaila na sobrang yaman ng may-ari ng kompanyang ito. Hinimas ko ang tiyan ko dahil medyo nagugutom na rin ako.

I forget to eat  breakfast kanina dahil na rin sa pagmamadali.

Bago ako pumasok sa loob ng corporation ay dumaan muna ako sa isa sa mga favorite bakery ko.

Bumili lang ako ng Spanish bread na sobrang favorite ko.

Nang makabili na ako ay agad na akong bumalik sa corporation.

“Good morning, Ma’am!” bati sa akin ng security guard.

“Good morning din po!” nakangiti kong balik.

Chineck ng security guard ang bag ko bago ako pumasok sa loob

I gave a huge smile bago ko siya talikuran. Sa bawat nadadaanan ko ay may bumabati sa aking empleyado kaya binabati ko rin sila.

Nang makarating ako sa elevator ay agad akong pumasok at pinindot ang 15th floor kung saan ang office ni Willim Dela Vega.

Nakangiti akong lumabas sa elevator. May mga bumabati pa rin sa akin kaya binabati ko rin sila at binibigyan ng malalawak na ngiti.

Nang makarating ako sa mismong pintuan ng office ni William ay laking gulat ko nang biglang bumukas  ito at bumungad sa akin ang isang napakagandang babae.

Medyo matangkad siya sa akin or dahil lang siguro sa heels niya. Medyo blonde ang buhok na bumagay sa kutis porselana n’yang balat.

Kung tutuusin, para s’yang isang modelo sa ibang bansa or should I say na model talaga siya.

A Beautiful Mistake [Published Under Immac]Where stories live. Discover now