Chapter 32

1.4K 53 2
                                    

William

WALA SA pagche-check ng schedules ang buong atensyon ko. Tatlong araw na ang lumipas simula nang mag-text sa akin si Dad. halos araw-araw akong nakatatangap sa kanya ng tawag at text pero binabalewala ko lang ito. Sandali akong natigil nang makatanggap ako ng isang voice message mula kay Dad. Agad ko itong pinindot upang mapakinggan.

“Umuwi ka rito sa bahay kung saan mo tinitira ang babae mo, kung ayaw mong palayasin ko ito rito!”

Halos manlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Dali-dali akong lumabas sa office. Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Tricia kung saan ako pupunta. Nang makarating ako sa parking lot ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at agad itong pinaharurot.

*****

Bella

I WAS READING an article about sa pagbubuntis  nang biglang may nag-doorbell. Sino kaya ’to? It’s only 6:30 a.m.

Dumiretso na ako sa main door. “Good morning po. Ano’ng kailangan nila?” masiglang bati ko sa lalaking nakatayo sa labas.

Tiningnan ako nito simula ulo hangang paa. Kasunod noon ang pagtingin niya sa akin nang masama.

“I’m looking for William. And who are you?” ma-awtoridad nitong tanong.
Balak ko na sanang tawagin si Manang Fe pero bigla nitong hawakan ang kamay ko.

“Ano ba? Sino ka ba? Bitiwan mo nga ako!” sabay bawi ko sa sarili ko sa kanya.

“Ikaw ang tinatanong ko, sino ka? At paano ka nakapasok sa bahay ko?”

Halos manlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi ko ipinakita sa kanya na natatakot ako.

“I’m William’s soon to be wife. At sino ka naman?” matapang kong saad.

“I’m his father,” saad niya.

At doon na ako lalong mas kinabahan.  Dali-dali siyang pumasok sa loob at wala na akong nagawa.

“So, dito pala nagtatago ang magaling kong anak,” saad niya sabay tinggin sa akin nang nakakaloko. “At dito niya rin pala dinadala ang babae niya!” he said na nagpataas ng kilay ko.

“What do you mean?” saad ko.

“Sabihin mo lang kung magkano ang binayad sa ’yo ng anak ko para mapapayag ka n’yang sumama sa kanya,” he said, then smirked.

“Ano’ng pinagsasabi mo? Walang ibinayad na pera sa akin si William. Kusa akong sumama sa kanya. At kung sinisiraan mo sa akin ang anak mo, puwes hindi ako maniniwala sa ’yo,” taas noo kong sabi sa kanya.

Umupo siya sa sofa at itinaas pa ang kaliwang paa sa lamesita at
prenteng-prenteng nakaupo doon.

“So you’re the lucky girl, huh!” he said.

“Ano ba’ng pinagsasabi mo?”

“Gusto mong malaman kung ano’ng ibig kong sabihin?” saad niya.

Tumango-tango na lang ako bilang tugon.

“Ang anak kong si William ay malapit nang ikasal sa dati niyang sekretaryang si Savanah,” saad niya.

“Sa tingin mo, papayag na lang si William nang basta-basta?!” matapang kong tanong kahit pinanghihinaan na ako ng loob.

“Yes, kailangan niyang pumayag dahil nakasalalay roon ang kompanya ng mga magulang niya. Dahil kung hindi siya papayag ay wala akong magagawa kundi bawiin ang shares ko sa Dela Vega Corporation at hahayaan ko na lang itong malugi at bumagsak. Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga kay William ang kompanyang ipinundar ng mga magulang niya, ’di ba?” saad nito.

Hindi ko alam kung ano’ng magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Kaya nanatili na lang akong nakatitig sa kanya.

“Alam mo, Hija, hanggang maaga pa ay umalis ka na sa poder ng anak ko! Magkano ba ang kailangan mo at ibibigay ko para layuan mo lang ang anak ko?”

Hindi ko alam pero bigla na lang dumapo ang kamay ko sa mukha niya.

“Sa tingin mo ba mapapaalis mo lang ako nang ganoon, basta-basta? No! Hindi pera ang habol ko sa pamilya n’yo. Saksak mo sa baga mo ’yang perang ibibigay mo sa akin!” sigaw ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang braso ko. Halos maramdaman ko ang kirot mula roon.

“Ano ba? Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!”

Pero nanatiling mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Halos mapatalon ako dahil sa biglaang pagbalibag ng pintuan.

“Don’t you ever touch my girl!”
Halos magdiwang ang puso ko nang makita ko si William, dali-dali itong lumapit sa akin at hinatak ako mula sa Daddy niya.

“Sa wakas dumating ka na rin,” nakangiti nitong saad.

“Ano ba’ng kailangan mo, ha?!” sigaw ni William. Hinawakan ko siya sa kamay upang pakalmahin.

“Gusto ko lang sabihin sa ’yo na ang kapal ng mukha mong magdala rito ng babae mo.”

Kita ko ang galit sa mukha ni William at kahit ano mang oras ay baka masapak na niya ang lalaking nasa harapan namin.

“Hindi ko s’ya babae.  She’s my wife!” mariin na sabi ni William.

“Nagpapatawa ka ba? Hindi kayo puwedeng ikasal dahil ikakasal ka na kay Savanah sa lalong madaling panahon,” saad ng daddy niya.

Binitiwan ako ni William at hinarap niya ang daddy niya.

“Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa ’yo para pumasok diyan sa kukote mo na hinding-hindi ko pakakasalan ang babaeng ’yon?” saad niya sabay duro sa daddy niya.

“Kahit nakasalalay pa ang kompanyang pinahahalagahan mo?” saad ng daddy niya sabay halukipkip nito.

“What do you mean?”

“Ano bang sabi ko sa ’yong bata ka? ’Di ba kahit ano’ng gawin mo sisirain at sisirain ko ang buhay mo?! Kung hindi ka papayag na magpakasal kay Savanah, babawiin ko lahat ng shares ko sa kompanyang mahal na mahal mo at hahayaang kong pulutin ka sa lansangan kapag nagkataon,” may pagbabantang saad nito.

Nakita kong biglang bumagsak ang balikat ni William dahil sa sinabi ng daddy niya.

“Walang hiya ka! Kailan mo ba ako titigilan ha?!”

Laking gulat ko nang sapakin niya ang daddy n’ya. Agad kong hinawakan si William upang pakalmahin.

“Ito ang sasabihin ko sa ’yo, William. Panghawakan mo ang mas mahalaga. You need to take the risk. Kung ako sa ’yo hahayaan ko na ang babaeng ’yan,” sabay tingin sa akin ng daddy niya.

“Lumayas ka na rito, kung ayaw mong ako ang kakaladkad sa ’yo palabas!” sigaw ni William.

Tumawa ito. “Matapang kang bata ka—”

“I said get out! Guards, guards!” sigaw ni William.

Agad namang nagdatingan ang mga gwardya.

“Ilabas n’yo na ang lalaking ’yan,” saad ni William.

“Yes po, Sir,” saad ng gwardyang lumapit.

“No need. Kusa akong aalis dito, pero pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko,” saad ng daddy niya bago umalis.

Kita ko ang lungkot sa mukha ni William. Agad akong lumapit sa kanya at inakay siya paupo sa sofa.

“I’m so sorry, Bella. Hindi ka dapat nadadamay sa gulong ito,” William said.

“It’s okay. Sa ngayon, magpahinga ka na muna at bukas na natin ito pag-usapan,” saad ko.

William held my hand. “Pangako, kahit ano’ng mangyari, ikaw at ikaw ang pipiliin ko,” he said.

A Beautiful Mistake [Published Under Immac]Where stories live. Discover now