Untitled

4 0 0
                                    

Nagsimula sa mga katagang 'kamusta? ',
Ngunit nilisan mo na wala man lang paalam ni isa,
Kung gaano ka kabilis dumating ganun din ang iyong pagkawala,
Parang multo di mo man lang madama,

Labis na inaasam ang yung pagmamahal,
Ngunit ito palay mapanlinlang at hangal,
Kay sakit isipin na ang puso'y nagulo,
At iniwan mong maraming sugat ang puso.

Okay naman tayo sa simula,
Pero bakit nagtapos na ako'y puro luha?,
Ako lang! Oo,  kasi dika nman nasaktan sa iyong palisan,
Parang aso na hindi man lang sinulyapan ,

Sa paglisan mo puso'y labis na nangungulila,
Para bang dukha na nanglilimos ng awa,
Na sanay balikan mo at hilomin ang sugat,
Sa pusong nagtatanong kung bakit hindi naging sapat.

Bakit? Ang laging tanong sa puso't isipan,
Na kailan ma'y di na mabibigyan ng kasagutan,
Dahil sa tuluyan mo ng linisan,
Linimot mo na parang walang pinagdaanan.

Pilit kung tinanggap ang aking kapalaran,
Kapalarang kailan may hindi ko maintindihan,
Gulong-gulo  litong-lito bakit ba ganito? ,
Hindi maka wala kahapon nati'y nagmumulto.

To the man who left Where stories live. Discover now