💔

3 0 0
                                    

Pangga!  Katagang nais kung marinig na saiyo nag mula,
marahil iniisip mo ngayon na kay bilis kung na tanggap ang iyong pagkawala,
ngunit di mo alam kung gaano ko ninais na ikaw ay magbalik,
mga alaala nang ating kahapo'y bumabalik.

Sa apat na sulok ng aking silid kalungkotan ang nakaukit,
Mga masasayang alaala hatid ay puro sakit,
Sa pagtulog at pag gising pangalan mo ang sinasambit,
Hinahanap ang mukha mong mapang-akit.

Sa gabing tahimik at kay lamig,
Pangga! sana'y naririnig mo ang sigaw ng aking pusong nanlalamig,
Hinihintay ang iyong mainit na bisig,
Na sana'y maramdaman kahit man lang sa panaginip.

Sa maliwanag at bilog na buwan palaging nakatanaw,
Hinihiling na sana'y makatabi ka balang araw,
At huwag sanang ipagkait ng tadhana,
Ang munting hiling ng pusong gustong sumaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To the man who left Where stories live. Discover now