Prologue

15.2K 556 131
                                    

Nakangiting nakatingin ako sa kanila na ngayon ay mayroong malungkot na ngiti. Napatawa pa ako ng makita si Agatha na mukhang maiiyak na ngayon.

Nandito silang lahat sa aking harapan na meroong malungkot na mukha. Mukhang ayaw talaga nila na umalis kami.

"Sigurado ka ba kayo?" biglang tanong ni Six. "Masyadong biglaan naman."

Liningon ko naman ito at nakita na ito ay malungkot din maging ang tono ng boses nito na ikinailing ko na lamang.

"Oo nga naman, Miyuri." pag sasang ayon ni Elien. "Bakit ba kasi kailangan mo na umalis, sasama pa ang mga iyan?"

Napailing iling naman ako dahil sa kanilang mga tanong habang si na Aly ay napakamot na lamang ng kanilang ulo. Aalis kasi ako ngayong araw at babalik sa mortal world. Gusto ko muli na magkaroon ng normal na buhay. Pwede ko din naman tawagin na bakasyon kung sakali dahil ng mga nakaraang buwan ay napakarami kong inaasikaso na papeles.

Pero hindi ko naman akalain na sasama sina Enzo. Hindi ko sana sila papayagan pero mga may mga kailangan din daw kasi sila asikasuhin kaya pinayagan ko na lang.

"I need a break from work," simpleng wika ko. "Kailangan ko din magpahinga at may kailangan din kami na asikasuhin sa mortal world."

Napangiwi naman sila dahil sa aking sinabi. Mukhang ngayon lang nila na realize na may naiwan pa kami na buhay sa mortal world.

"At saka baka doon na mahanap ni Miyuri ang kanyang the one." wika ni Nova at sinamaan ng tingin si Rage.

Napatawa na lamang ako at kinurot ito na mukhang nagulat pa dahil sa aking ginawa. Si Rage naman ay napaiwas ng tingin while i can see the guilt in his eye.

"I'm sorry." usal ni Rage.

Linapitan ko naman ito at tinapik ang balikat. Inakbayan ko din ito habang may ngiti sa aking labi.

"Bakit ka ba sorry ng sorry, ha?" nakataas na kilay na saad ko. "Maayos na ang lahat at masaya na tayong lahat at sabi ko naman sayo na ayos lang ako."

Napabuntong hininga naman ito habang si Alisia sa kanyang tabi ay nakangiti lamang na nakatingin sa aming dalawa.

"I always feel guilty, Miyuri." malumanay na wika nito.

Kinurot ko na lamang ang pisngi nito ng mayroong ngisi sa aking labi habang narinig ko naman ang pagtawa ni na Chad at Six sa aking tabi.

"I'm okay, Rage." malumanay na wika ko. "Huwag ka ng mag aksayang isipin ang mga nakaraan natin. Aren't you happy already?"

Tumango naman ito habang nakatingin sa sahig. Napabuntong hininga na lamang ako bago muling nagsalita.

"You don't have to worry about me. Babalik ako and maybe sa pagbalik ko kasama ko na siya. Baka kasama ko na ang lalaki na para sa akin."

Napaangat naman ito ng tingin sa akin while i give him a genuine smile habang hinawakan naman ni Alisia ang kanyang kamay.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila habang si Hm Tanya naman ay binigyan ako ng yakap.

"Alagaan ninyo ang sarili ninyo doon." bilin nito.

"Master, naayos na namin ang tirahan mo sa mortal world maging ang tirahan ng mga makakasama mo." wika ni Anathasia at nakataas na kilay na tiningnan si na Monique.

"The only problem is mayroon kang makakasama sa bahay mo, Master." wika naman ni Serafhina.

"Ako ba?" tanong naman ni Kuya Tyron.

"No!" agad naman na sagot ni Serafhina ng may kakaibang ngiti

Tumango naman ako sa kanila bago ako lumingon sa aking likod dahilan para lumawak ang aking ngiti. Umihip ang hangin dahilan para sumabay sa ihip ang aking mahaba na itim na buhok.

Seductive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon