Prolouge

20.1K 366 12
                                    

"May bagong propesiya ang lumabas"Turan ng isang napakagandang babae

Sabay na napatingin ang mag-asawa doon at nakitang ito ang kanilang kataas-taasang dyosa

"Goddess Luna"sabay na sabi ng dalawa at bahagyang yumuko bilang paggalang

"Ano po ang propesiyang ito?"tanong ng Reyna Aurora

Inilahad ng dyosa ang kaniyang kamay at mula roon ay lumabas ang LIBRO NG PROPESIYA

Ibinaba ng dyosa ang kanyang kamay ngunit nanatiling lumulutang ang libro at ito ay mag-isang bumuklat para sa propesiyang sinasabi niya

"Isang prinsesa ang isisilang biniyayaan na pinaka-makapangyarihan,
Siyang magliligtas sa kanyang mundo at bayang sinilangan,
Ngunit suliranin ay pagdadaanan,
Kinailangan mamili kung sinong paniniwalaan,
Kung maging tama ay mabubuhay,
Kung magkamali ay buhay ay ibubuwis para sa kapayapaan"

"I-ibubuwis ang buhay?"kinakabahang tanong ng Reyna

Dahil sa mga pag-kakataong ito ang Reyna ay Nag-dadalang Imortal

Unti unting tumulo ang mga luha ng Reyna at sumakit ang kaniyang tiyan

"Mahal ko,A-anong nangyayari sayo?"nag-aalalang tanong ng Hari na si Henry sakanya

"M-manganganak na a-ata ako"sagot ng reyna sa kanyang asawa

"Tawagin ang doktor ng kaharian!Madali!!"utos ng hari

Pinahiga ang Reyna sa kanilang kama

Ang mga kawal ay nag-bantay sa pinto ng silid at ang mga taga-pagsilbi na naroon ay nag-suot ng puting belo at binantayan ang mga ilang lagusan sa silid na iyon

Maya maya ay dumating na ang doktor ng kaharian

Nilapitan niya ang reyna at nag-simulang magpaanak

"Ire mahal na reyna"sabi nito

"AAAAHHHH!!!"siyang sigaw nito

"Malapit ng lumabas ito,Isa pa mahal na reyna!"sabi ng doktor

"AAAAAAAHHHHHH!!!!"Muling palahaw ng sigaw ng Reyna

"Uwaaaaa!!Uwaaaaa!!"Iyak ng bata na bagong silang

Inihele siya ng doktor kaya tumigil ito sa pag-iyak

"Isang napakagandang bata mahal na Reyna ano ang magiging pangalan niya??"

"Amelie Sapphire,Amelie means Light and Sapphire means A Blue Stone,In our world Blue Stone protects its people and kingdoms"Sagot ng Reyna na ngayon ay nakangiti

"Amelie Sapphire Leanore,
Napaka-gandang pangalan mahal kong reyna"sabi ng Hari

"Ikaw na ngayon si Amelie Sapphire Leanore,Ang Prinsesa ng Moonlight Dimension sa Light Kingdom"sabi ng doktor

"Magpa-handa kayo ng magarbong piging para sa pagka-panganak ng prinsesa"utos ng Hari

Agad sumunod ang mga taga-silbi,
Naging abala lahat ng tao sa palasyo para sa piging ng prinsesa

Samantalang ang hari at Reyna at abala sa pag-aayos ng kanilang anak

Nag-simula ang piging at naging masaya ang lahat dahil sa pagdating ng kanilang taga-pagligtas

Masaya ang lahat ng makarinig sila ng pag-sabog

"Hindi ba kami Imbitado mahal kong kapatid?"sabi ng isang lalaki

"Anong ginagawa mo rito Henro?"tanong ng Hari sa-kanyang kapatid

"Hindi ka namin kailangan dito!"sigaw ng reyna at niyakap ng mahigpit ang kanyang anak

"Huwag namang mainit ang ulo mo Aurora parang hindi mo ako minahal noon"sagot ni Henro ang hari ng kadiliman

"Manahimik ka Henro!Hindi kita kailanman minahal!!"sigaw ng Reyna

"Pwes eto ang tanggapin niyo!!Sugod!!"galit na galit na sigaw ng hari ng kadiliman na siyang sinunod ng kanyang mga kampon

"Aurora mahal ko,Itakas mo si Aimee,mag-iingat kayo"sabi ng Hari sa kanyang asawa

Ayaw umalis ng reyna ngunit naisip nito ang kapakanan ng kanyang anak

Nag-teleport siya papunta sa silid ng kanyang pinagkaka-tiwalaang taga-silbi sa palasyo

"Mahal na Reyna"pag-bibigay galang nito

"Pumunta kayo sa mundo ng mga tao,Alagaan mo ang anak ko roon,Mag-iingat kayo"sabi ng Reyna at ibinigay ang Prinsesa  sa taga-silbi

Kahit naguguluhan ay sumang-ayon ito

Gumawa ng Portal ang Reyna at pinapasok roon ang dalawa

Ngunit bago tuluyang umalis gumawa siya ng Kuwintas na may pendant na simbolo ng kanilang pamilya at isunuot iyon sa prinsesa

"Mahal na Mahal kita anak ko"sabi nito at tuluyan na ngang napunta sa mundo ng mga tao ang dalawa

Bumalik ang Reyna sa pinangyayarihan ng kasalukuyang digmaan at tinulungan ang hari

Nauubos na ang kampon ng kadiliman

Umatras ang mga ito sa utos ng kanilang hari

Ngunit bago tuluyang lumisan ang Hari nila

"Makakalimutan niyo kung saan niyo itinago ang prinsesa"Sambit nito na naging sumpa pala

Tuluyan na ngang lumisan ang kadiliman

Samantalang ang prinsesa at ang taga-pagsilbi ay nakarating na sa mundo ng mga mortal

Kapalit ay pag-kawala ng kanilang ala ala kung saan nakatago ako Prinsesa

Muli kayang makabalik ang Prinsesa ng Moonlight Dimension?

Si Amelie Sapphire Leanore Ang Prinsesang mawawala at muling mag-babalik ngunit paano?

✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑

Moonlight Academy:The Long Lost Princess(COMPLETED)Where stories live. Discover now