Leveling Battle 2.0

6K 204 3
                                    

Aimee Viloria

"Jiesel!Ang tagal mo na naman mag-ayos!" Sigaw ko sa inis dahil gaya kahapon ay hindi pa siya tapos pero this time Five minutes na lang ang natitira bago mag-start ang second  leveling battle for charm

"Ayan na palabas na!"sigaw niya pabalik

Maya maya ay dumating na siya kaya lumabas na kami sa dorm namin at pumunta sa field,Hindi kami sinundo ng Elites dahil ipinatawag sila ni HM mukhang important duty yata sila

Elites eh,Si Jiesel naman ay hindi sumama dahil ako lang daw mag-isa kung ganon

Sabi ko sakanya kaya ko naman pero she insisted kaya ayan late ulit kami ang bagal niya kase eh

Nakarating na kami sa field pero wala pa sina Fleur Pearl doon

Umupo na kami ni Jiesel sa assigned seats namin gaya ng kahapon

"Ano kayang meron bakit kaya ipinatawag sila?"tanong ko kay Jie

"Huwag mo ng intindihin yun"ngiting sagot ni Jie

Nag-daldalan lang kami ni Jie gaya ng iba habang hindi pa nag-start yung battle

"Jie,ganun ba talaga yung ugali ni Blaze at Flare?Hindi ko sila ma-gets eh,Ang sungit pareho"tanong ko kay Jie

"Oo nga noh?pero kase si Blaze sadya lang siyang ma-ilap sa tao,Si Flare naman,Siya kase ang Queen ng Academy, Gusto niya siya yung laging nasa top dahil nasanay siyang rank 2 sa Elites,Siya rin kase ang puma-pangalawang malakas sa mga babaeng royal blood,Una yung Lost Princess ng Light Kingdom"Paliwanag ni Jie

"Eh Bakit galit siya sa akin?"Tanong ko ulit

"Hayaan mo na yun nasanay na rin lang kami nila Pearl atsaka kase matagal na ring kase siyang may gusto kay Light,Eh diba close nga kayo ni Light baka naman nag-seselos lang kaya ikaw yung pinag-iinitan niya,Possesive siya sa mga gusto niya sobra"Sagot ni Jie

"Oh ayan na pala sila eh"sabi ko habang nakaturo sa Elites

"Yow Ate Aimee!"Bati ni Light sa akin

"Yow Light!"Bati ko pabalik

Pa-simple kong sinulyapan si Flare at ayun ang sama na ulit yung tingin niya sa akin, Now I know kung bakit lagi siyang masungit comfront ko nalang siya later after ng Leveling mamaya

"Students please sit down,We have a special announcement"Biglang sabi ni HM sa mic sa may maliit na stage sa gitna sa may gilid

"Mag-iiba ang system natin sa Leveling Day 2 which is today for charm,Magkakaroon lang ako ng isang beses para gumamit ng isang skill gamit ng charm niyo na patamaan ang barrier na nasa center ng field,Kung gaano man kalakas ang ipapakita ng score board sa taas ng barrier ay iyon ang score niyo,And after the Leveling,We will announce the Rank 10 Strongest students,The set of Elites and the new sections"Paliwanag ni HM

"Let's start,First student"HM

//Fast Forward//

"Last 10 students of section Amethyst, Prince Claudius"Tawag ni HM kay Claud

Bumaba si Claud na mukhang natatae dahil siguro sa kaba HAHAHAHA

Nag-hand sign si Claud at bumulong sa mumu ay hehe Jok lang po

Maya maya may lumabas na air bomb na may air soikes pinatama niya yun sa may barrier nagkaroon ng kaunting crack at ang naging score niya ay 93

"Princess Mariam"

Bumaba din si Pearl at ang ipinalabas niya naman ay Poisonous Bubbles

Malakas ang technique na yun dahil sa poison kaya ang naging score niya ay 95

Indeed,Si Pearl ang isa sa magagaling sa Elites

"Princess Fleurmagne"

Fleur used the skill rock pops,Ang mga rock pops ay mga bato na umaangat mula sa lupa nagkaroon ng crack sa barrier kaya ang resulta ng sakanya ay 94

"Prince Cole"

Cole used the technique snowice balls,It is a mixture of snow and ice in a ball,It releases multiple number of balls na nag-create ng hiwa-hiwalay na cracks sa barrier,Ang kinalabasan 96

"Princess Jiesel"

Si Jiesel naman Moonstruck ang ginamit, Sandamakmak na moon yon dahil sunod sunod ang naging resulta naman sakanya ay 97

"Darwin"

Si Darwin naman Stardust,Mga small stars sila na nag-cre-create ng maliit na noise tapos madami sila sobraaa ang naging score niya is 95

"Princess Flare"

Bumaba si Flare at ang Fire niya ay Red,Nagpatama siya ng fire balls na kasing lalaki ng tig-piso at nagcreate ng sakto ang laki na hole sa barrier

Totoo nga yung sinabi ni Jie,Siya nga ang pinaka-malakas sa Girls habang nawawala pa ang prinsesa ng Light Kingdom

Ang naging score niya ay 98

"Prince Blaze"

Ang fire ni Blaze hindi katulad kay Flare, Kulay Blue ang Fire ni Blaze ayon kay Goddess Selene mas malakas daw ang blue fire kaysa sa Red Fire

Gaya ng kay Flare hugis bola at sing laki ng tig-pipiso ang ginamit na technique ni Blaze at ito ay nag-resulta ng malaki na butas sa barrier

Wow ha,Kaya pala siya ang pinaka-malakas sa Elites at sa buong Academy

Ang naging score niya ay 99.9,Ay hala di pa ginawang 100 ha,Sabagay ang prinsesa siguro ang magiging isang daan ang score

"Last,Our Transferee,Who defeated our Rank 1 yesterday Aimee"

Liningon ko sina Jies and they all mouthed "Good luck"

Habang si Light naman na nasa tabi ko ag binulungan din ako ng Good Luck oh diba ang bait nilang nga kaibigan hehe

Kinakabahan akong bumaba sa hagdan papunta sa gitna ng field

Nanlalambot ang tuhod ko at parang anytime yata ay madadapa ako at gumulong-gulong nalang pababa ng Hagdan

Teka bakit larang mas madali yata yun?Sige try natin,Jok ayoko pang mamatay

Nakarating na ako ng field,Nag-exhe at
Inhale muna ako para mawala kahit papaano ang kaba ko

Nag-concentrate ako,Nag-hand sign at bumulong sa hangin

Nag-palabas ako ng Water Energy light,Ang pinaka-malakas na water charm technique

Dahilan na unti unting mabasag at mag-karoon ng malaking butas sa barrier gaya ng kay Blaze kanina

"That was unexpected from our transferee! Her score is 98.75!"

Oh my goshe i did it!

"Take a break,And come back later to know what is the result and the new ranking and your new sections"HM
✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑✨👑

Dedicated to Gagagako

Moonlight Academy:The Long Lost Princess(COMPLETED)Where stories live. Discover now