Leveling Battle

6.4K 228 3
                                    

Aimee Viloria

"Jiesel!Bilisan mo diyan!Male-late na tayo,Bruha ka!"Inis na sigaw ko mula sa sala,nasa kuwarto niya pa rin kase siya at hindi pa tapos mag-ayos

Nag-ga-gown pa yata ang bruha sa tagal niyang mag-ayos kaloka!

Leveling day namin ngayon at 10 minutes nalang bago mag-start!Baka ma-late kami!

"Ano ba hindi yan!Wag kang mag-alala!huli tayo dahil section diligence ang mauuna!"sagot niya sa akin na pasigaw, hindi ko nalang pinansin at humilata sa sofa ng dorm namin,Oh diba!Sosyal ang dorm namin!Malaki ang budget ng academy jok jok heheh..

Napalingon ako sa pintuan ng dorm namin dahil napansin kong unti unting bumubukas yun

Hala Hanggang dito ba naman uso pala yung multo multo?Goddess Selene huhu tulungan niyo po ako

May powers yung mga tao dito baka may charm rin yung mga kaluluwa huwaa tapos sasanib sa akin

Wait OA na ko masyado

Bumukas na ng tuluyan yung pintuan ng dorm namin at iniluwa ang Elites

Napatayo ako at nag-salita

"Anong ginagawa niyo dito?"Masungit kong tanong at itinaas pa ang kaliwang kilay ko

Dahil as far as i know wala kaming usapan na pupunta sila dito at higit sa lahat wala silang susi!

"Sinusundo po kayo -"naputil ang sinasabi ni Light nung sumingit si Flare

"Obviously,sinusundo kayo,ikaw, kayong dalawa sinusundo na nga umaarte pa"Masungit na sagot ni Flare sakin

Hala siya?wala naman akong ginagawa sakanya ah,Pinag-lihi ba silang dalawa ni Blaze sa sama ng loob?Mag-kapatid nga tsk tsk

"Sorry Flare"tanging nasabi ko nalang dahil sa pagka-pahiya

"Corection,PRINCESS Flare"Sabi niya ng may awtoridad at diniinan pa ang kanyang titulo

"Sorry po Princess Flare"Pag-hingi ko ng paumanhin

"You ready Babe?este Aimee?"Tanong ni Darwin sakin sabay akbay

Hilig mang-akbay nito ah

"I'm always ready Darwin HAHAHAH!"Sagot ko kay Darwin sa nakalipas na dalawang araw ay naging ka-close ko na si Darwin

"Teka nga,Teka nga,Paano kayo nakapasok dito?"Takhang tanong ko eh kami lang naman may susi dito

Sabay sabay nilang tinuro si Claud

"Oh,oh Oo naa!Ako may gawa pinilit ko si HM na ibigay yung spare key ng dorm niyo sa amin Hehe sorry"Sagot ni Claud habang kinakamot pa ang batok niya

"Tara naaa!"Biglang sabi ni Jiesel na nasa tabi ko na pala

"Buti nalang tapos ka na!Ang bagal mo sis"Sabi ni Fleur na natatawa

"Oh Let's goo!"Sigaw ni Cole kaya sabay sabay na kaming lumabas ng dorm

Pumunta na kami sa Field,May naka-assign na seats sa amin dahil Section Amethyst kami oh diba may speacial treatment

"Good morning students!Ang Leveling battlw ay ginagawa dalawang araw sa isang taon,Ang unang araw ay combat at ang pangalawa naman ay Charm,Sa dalawang ito ay parehas lang ang gagawin ninyo mayroon kayong makakalaban at kailangan niyo itong talunin para tumaas ang score niyo o kapag natalo man kayo ay natural na bababa ang score niyo,Kaya galungan niyo! Let's start with Section Diligence"Sabi ni HM

Si HM ang host ang nagtatawag

Tinawag niya na ang first pair

"Before the first pair starts,Let us introduce our Jurys for today!Queen Aurora and King Henry from Light Kingdom"Sabi ni HM

Moonlight Academy:The Long Lost Princess(COMPLETED)Where stories live. Discover now