Prologue

6 0 0
                                    


Naniniwala ako na para matanggap ka ng ibang tao, kailangan mo munang tanggapin ang sarili mo.



"One and two and three and four, Inhale and exhale, One, two, three, four, five, six seven and eight" Nakakapagod mag papayat talaga, kailangan para gumanda naman ang katawan ko.

Simula nung mabully ako sobra talaga akong na down. Nag stress eating ako after mamatay ng pinakamamahal kong lolo. Sobrang close namin ng lolo ko. Siya yung nasasabihan ko ng mga problema ko sa school at sa pag-ibig. Tinutulungan nya ako kung ano man yung nalalaman nya. Siya yung kinukwentuhan ko palagi kase hindi ako open kay mommy at daddy. Kaya hindi ko na alam yung gagawin ko nung nawala sya. Chubby na ako simula pagkabata ko pero na ko-control ko ang pagkain ko nuon, pero ngayon kahit ano makita ko kain dito kain doon lamon dito lamon doon.

Nagpahinga muna ako sa kwarto saglit habang pinopost ang picture ko kanina habang nag e-exercise.

"Nako Kim, asa ka pa hindi ka na papayat pa"

"Ang taba taba mo kaya, wala ng pag asa yang mala-suman mong katawan Hahahaha!"

"Exercise talaga? itigil mo na yan Kim, pinapagod mo lang sarili mo"

"Mukha ka paring baboy! HAHAHA!"

Napapikit agad ako sa inis ng mabasa ko ang mga comment nila sa picture ko. Hay talaga. Inaabangan talaga nila picture na ipopost ko no? Wala pang one minute nag-comment na agad sila.

Sa totoo lang, sila yung motivation ko kaya nagpupursigi ako na magpapayat.
Gusto ko na hangaan nila ko at gusto ko din matagpuan ang love ko.

"Kaya mo yan Kimmy! Inahle, Exhale. "

Naisip ko na maligo na lang dahil may pasok pa ako sa school, mabuti na lang na maaga ako nagising ngayon.

Dahil maaga pa naman at two hours pa bago ang start ng klase ko, naisipan kong pumunta na lang muna sa coffee shop malapit sa school namin.

"Malapit lang naman kaya lalakadin ko na lang." Bulong ko.

Habang nagkakape, nakinig na lang ako ng music sa Youtube. Mahilig kasi ako sa music at sa instruments. Sa totoo nyan, marami akong alam na instruments at lumalaban din ko sa singing competition.

Hindi ko napansin ang oras kaya tumuloy na agad ako sa school tutal malapit lang naman.

Dahil isang sikat na school ang pinapasukan ko, hindi na ako magtataka na may bago na namang bisita na artista. Mayaman ang may ari ng school namin kaya gusto nya na tuwing Monday ay may artista na magpapasaya sa buong studyante para daw ganahan na mag-aral.

Pagpasok ko sa gate, narinig ko kaagad ang boses ng kumakanta.

"Inlove na ako, inlove na sa'yo,
Sana'y malaman mo, ang damdamin ko,
Tinamaan ako, tinamaan sayo,
Sana'y sabihin mo, ako ay may pag-asa         sa'yo"

Hindi ako nagkakamali sa boses na 'yun boses yun ng idol ko. Napangiti ako bigla at tumakbo sa loob ng gym.

"OMG, OMG." bulong ko.

Ang pogi pogi talaga ni Darren Espanto, ang galing pa nya mag perform. Sobra sobra akong natutuwa ngayon, tuwa na may kilig. Parang kumikinang tuloy ang mata ko. Waaaaaa!

After nya magperform, nagsalita ang may ari ng school upang magpasalamat kay Darren. Pinabalik na din nya ang mga estudyante sa kanya-kanyang room.

Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit. Di ko namamalayan na nasa room na pala ako. Buong klase ay nakatulala lang ako dahil naalala ko pa rin si Darren.

"Kimmy!"

Napatalon ako sa gulat dito sa best friend ko. Palagi na lang siya nanggugulat. Hay di na talaga nagbago.

"Ano ba yan Sofie palagi ka na lang nanggugulat"

"Sorry naman"

Nagsorry pa talaga ah? Maniniwala na sana ako eh kaya lang nakangiti pa. Kaya nagpatuloy na lang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako paborito kong tambayan. Wala masyadong estudyante dito kase pinakalikod ito ng school. Gusto kong pumupunta dito kapag break time para magbasa habang nakikinig ng music.

"Oo nga pala Kimmy, nakita mo ba si Darren kanina?"

Nandito pa pala siya sa tabi ko di ko napapansin hahahaha.

"Oo naman haha. Kinikilig nga ako kanina eh."

"Hinahanap kaya kita kanina, gusto kong makita reaksyon mo hahaha."

"Eh ano pa nga ba Sofie? sya lang naman ang Idol ko eh. " Sabay kami tumawa.

Bigla na lang kami tumahimik, pero siguro may iniisip din tong si Sofie, ang layo ng tingin eh, napapangiti tuloy ako sa itsura nya. Ang perfect ng mukha nya muka syang anghel, di ko nga alam bat naging best friend ko to eh. Ang ganda, sexy, madaming manliligaw, mayaman. Nasa kanya na talaga ang lahat, bigla tuloy ako nainggit at nalungkot.

"Kimmmy!" Nakakagulat naman to sumigaw.

"Kanina pa kita tinatawag eh, lutang ka na naman hano?"

"Eh may naisip lang, eh ano ba kasi yung sinasabi mo?"

"Tignan mo yun oh, Si Darren nakaupo sa ilalim ng puno"

Hinanap tuloy ng mata ko si Darren. Totoo nga, nakaupo sya sa ilalim ng puno habang naka earphones hindi kalayuan sa pwesto namin ni Sofie. Bakit kaya siya nandito? Bakit mag isa lang siya? Nasan kaya mga assistant nya?

Kinikilig tuloy ako Hahaha. Ang sarap nya titigan.

"Tara lapitan natin." Sabi ni Sofie

"Wag na nakakahiya, tsaka artista yan noh."

"Hindi yan, dali na tayo ka jan." Kinikilig na sabi nya.

Pilit nya akong pinapatayo sa damuhan na inuupuan namin at tinutulak papalapit kay Darren.

Malapit na sana pero...

"Ayy, bad timing naman." si Sofie.

Umalis na sya kasama ang assistant nya.

"Wala na, ikaw kasi eh pabebe pa."

"Hindi naman kasi ako maganda, ang taba taba ko kaya, papansinin ba ko nun? Eh artista yun."

"Hay nako Kimmy, sya pala aalis na ko may isa pa kong klase eh. Ok lang ba?"

"Oo naman, Sige Ingat ka." malungkot kong sabi.

"Bye bestfriend, See ya!" pagpapaalam niya.

Bumalik na lang ako sa kinauupuan ko kanina tutal wala naman na ako klase.
Naisip ko na sana balang araw makilala at maka-duet ko si Darren.

"Nangangarap ka na naman Kim." bulong ko sa sarili ko.

"Makauwi na nga lang."

Habang naglalakad ako papauwi, nakinig na lang ako ng mga kanta ni Darren Espanto. Sa mga kanta nya lang talaga ako sumasaya. Halos araw araw ko pinapakinggan mga kanta nya at hindi ako nagsasawa na gawin yun. Ganun ko sya ka-crush at ka-idol.

[Alam- by Darren Espanto]

"Kahit hindi mo na sabihin,
Kahit hindi na magdamdam
Kahit hindi mo na aminin,
Mas mabuti nang hindi mo na alam."

Sinasabayan ko na lang ang tugtog, iba talaga yung saya ko kapag kinakanta ko yung kanya niya.

Sana maka duet ko talaga sya. Sobrang saya ko pag nangyari yun.

Pero mas iisipin ko muna sa ngayon yung pag da-diet ko. Ayoko na kasi mabully, tsaka baka pag payat na ko balang araw, hindi na ko mahihiya na humarap sa ibang tao lalo na sa harap ni Darren Espanto.

[Darren Espanto, I wish I could perform with you]

The Real MeWhere stories live. Discover now