(CHAPTER 1) Bully

1 0 0
                                    

(Kim Alcantara's POV)

Balang araw, magkakatotoo lahat ng iniisip ko ngayon. Gusto ko na matanggap ako ng ibang tao kasi minsan nakakasawa na din mabully at ma-depressed. Hindi lang basta matanggap ng iba, kundi matanggap din ang sarili ko.

Gusto ko muna alisin sa isip ko ang pagkawala ng lolo ko para makapag focus ako sa pag aaral, sa music, at sa pagiging better person.

Habang naglalakad ako sa hallway sa school, nakasalubong ko ang mga babae na kinaiinisan ko. Ang mga babae na walang sawang i-bully ako.

"Hi Kim, kamusta ka na? Pwede ba kami makipagkaibigan?" Sabi ni Dannah habang nakalagay ang kamay nya sa harap ko.

Nagulat ako sa mga sinasabi nya, kase simula first year high school, sila na yung nambubully sa akin. Totoo ba itong nangyayari?

"C'mon Kim, We just want to say sorry sayo, tsaka last year na natin dito sa Wonland bilang high school gusto lang namin na maging maayos tayo sa huling taon natin dito." Sambit ng kaibigan nyang si Lea.

Feeling ko totoo naman yung sinasabi niya. Pero nagdadalawang isip pa din ako.

" Hey Kim, nangangawit na ko oh. "

"Okay." Inabot ko na lang yung kamay nya sign na nakikipagkaibigan na ako.

"But wait, may dumi ata sa mukha mo." Si Lea.

Pinunasan ko ang mukha gamit ang kamay ko. Naisip ko na baka alikabok lang to habang naglalakad ako sa daan kanina.

"Ayan ok na." sabi ni Dannah habang ngumingisi.

"Bye Kim, See ya around!"  Sabi ni Lea habang naglalakad papaalis.

Nagtataka ako sa inasal nila pero kinalimutan ko na lang agad. Naisip ko na pumasok na lang agad sa room namin.

Habang naglalakad, pinagtitinginan at pinagbubulungan ako mga estudyante na nakakasalubong ko. Yung iba tumatawa, yung iba naman nakangisi lang.

Bakit? Ano ba problema nila sakin?

"Kimmy!" Papunta sa harap ko si Gelo na may pag aalala sa mukha.

"Kim, okay ka lang ba? Sino may gawa sayo niyan?"

"Gumawa ng ano?" nagtataka kong tanong.

"Yung mukha mo oh ang daming dumi"

Hindi na niya ako hinintay na magsalita at hinila nya ko sa restroom.

"Linisin mo yang muka mo, maghilamos ka dun." Sabi nya habang may inaabot sa akin na panyo.

Nagtataka ako sa sinasabi nya pero sumunod na lang ako. Isa si Gelo sa malapit kong kaibigan maliban kay Sofie. Kaya naniniwala ako sa sinasabi nya kanina. Kababata ko siya at magkaibigan din ang mga magulang namin. At sa iisang Village lang kami nakatira kaya madalas kami nagkikita.

Nagulat ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Punong puno ng itim na kung ano ang muka ko. Di ko alam kung saan ito galing.

Naisip ko na baka nung nakipagkamay ako kay Dannah. Nalungkot ako bigla. Naloko na naman nila ako.

"Bakit ba hindi ko napansin yung kamay ni Dannah kanina? Di ko man lang napansin na may dumi sa kamay nya at kamay ko kaya ako nagkaganto. Ang tanga tanga ko talaga." bulong ko habang tinatanggal ang mga dumi gamit ang panyo na binigay ni Gelo.

"Hays." Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari. Pinipigilan ko na lang na umiyak sa sobrang kahihiyan. Di pa rin pala sila nagbabago, akala ko totoo na nakikipagkaibigan sila sa akin.

"Okay ka na ba?" tanong ni Gelo paglabas ko ng restroom.

"Oo, Salamat Gelo tinulungan mo na naman ko, lalabhan ko muna yung panyo na binigay mo and isasaoli ko din sayo."

The Real MeWhere stories live. Discover now