(Chapter 2) Unexpected

0 0 0
                                    

(Kim Alcantara's POV)

Ilang araw ang lumipas pero di ko pa din makalimutan ang nangyari sa akin. Sa mga gabi na dumaan, hindi ako nakakatulog ng maayos, hindi ako nakakapagfocus sa pag aaral ko. Buti na lang nanjan si Sofie at Gelo para mapagaan ang loob ko.

"Ma, magjogging po muna ako." sambit ko ka mama habang nagluluto kasama si Ate Mae, ang katulong namin.

"Sige anak, mag ingat ka."

"Opo mama, 143!"

"143 din anak!"

Naka ilang ikot na din ako sa village namin kaya napagpasyahan ko na magpahinga sa park. Naupo ako sa swing duon habang umiinom ng tubig.

"Hays nakakapagod talaga mag diet, pero kakayanin ko to para di uli ako mabully."

Sa totoo lang, hindi nawawala sa isip ko yung nangyari sa akin. Pero kinalimutan ko na lang dahil alam kong magsasawa din sila.

[Flashback]

Nagising ako na nasa kwarto na, di ko alam kung sino ang nag uwi sa akin dito kaya bumangon ako kahit medyo nahihilo pa ako. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si Mama na nagluluto sa kusina.

"Mama, sino po nag uwi sa akin?"

"Si Gelo anak, at isang lalaki pero pamilyar mukha niya sa akin kaso di ko maalala pangalan niya."

"Ahh, sige po mama."

"Magpahinga ka pa jan at dadalan kita ng soup sa kwarto mo."

"Salamat ma."

Pumanik ulit ako sa tass at pumasok sa kwarto, kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinext si Gelo para magpasalamat.

[To: Gelo]
"Gelo, Thank you sa pag uwi mo sa sakin sa bahay. Txt back :)"

[From: Gelo]
"Anything for you Kimmy :) Ok ka na ba? may masakit pa ba sa 'yo? puntahan kita jan sa bahay nyo you want?"

[To: Gelo]
"Ok na ako Gelo :) Tanong ko lang sino pala yung kasama mo na maghatid sa akin sa bahay? Hindi ko kasi nakilala mukha nya eh kase nanlalabo paningin ko mung time na yun."

[From: Gelo]
"Si Darren Espanto yun Kimmy, Kilala mo ba siya? Sikat na performer yun, pero bestfriend ko na din siya kasi nagkakilala kami sa workshop nuon."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba ito? OMG.

[End of Flashback]

"Hoy Kim!"

"Ay-eh, Gelo ikaw pala yan."

"Kanina pa kita tinatawag, di mo ko pinapansin, may problema ba?"

"Ah-eh wala naman may naisip lang ako."

"May ipapakilala lang sana ako sa'yo siya yung kasama ko nung nahimatay ka sa school."

Dug dug dug dug*
Dug dug dug dug*

Biglang bumilis tibok ng puso ko.

"Pabalik na yun, bumili lang siya ng ice cream, timext ko na tatlo na bilin niya kasi nakita kita dito."

Di ako makapagsalita para akong na estatwa dito sa kinauupuan ko.

"Ah-e-hh sige" sambit ko.

Kinakabahan talaga ko na may kasamang kilig. After all this time, naging best friend pala niya yung ultimate crush and idol ko? Sobrang saya ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Real MeWhere stories live. Discover now