XII

1.4K 63 17
                                    

II

Magic history, Saint Havens history, book of spells, potion crafting, guides on how to use the magic. Halos masabunutan ko na ang sarili ko dahil ni isa sa mga librong kinuha ko ang impormasyong kailangan ko. Halos libutin ko na rin ang bawat book shelfs ngunit ni isa sa mga 'yon ay hindi konektado sa impormasyong nais ko. Nakasambakol ang pagmumukha ko nang maglakad ako pabalik sa hagdanan. Pero bago pa man ako makababa, naaninag ko ang isang dalagang nagbabasa ng libro sa sulok ng book shelfs. Kung titingnan, parang tuwang-tuwa ito habang nagbabasa ng libro. Wala rin naman akong makitang staff o librarian sa lugar na 'to kaya't mas maayos na rin kung magtatanong ako.

"Excuse me?" Ibinaba nito ang librong binabasa at sinulyapan ako ng tingin.

Pansin kong napakabata pa ng itsura nito kumpara sa akin. at siguro, lamang lang ako ng ilang taon sa kanya. Mayroon itong kulay gintong buhok, bilugang mukha, mapupulang labi't kulay tsokolateng mga mata. Kung tutuusin, mukha itong manikang nagbabasa sa sulok.

"Yes?"

"Gusto ko sanang magtanong kung saang libro ko maaring mabasa ang tungkol sa dimetional clock?"

Parang hindi nito narinig ang tanong ko't ibinalik ang atensyon sa binabasang libro. Tinaasan ko ito ng kilay, ilang minuto pa ang kinunsume ko para lang marinig ang sasabihin niya.

"Walang libro patungkol sa dimentional clock. Tanging ang dimentional witch lang ang mayro'ng kopya ng hinahanap kong libro. Hmmm, diary niya siguro 'yon?"

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Kumunot ang noo ko, Hindi ko naman sinasadyang makita ang school I.d nito kung saan nakasulat ang pangalan nitong Eureka Lockheart. Marahan akong umupo sa tabi nito, pansin kong sinilip niya akong bahagya at ibinalik ang tingin sa librong binabasa.

 Marahan akong umupo sa tabi nito, pansin kong sinilip niya akong bahagya at ibinalik ang tingin sa librong binabasa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit mo hinahanap ang isang librong napaka-imposibleng mapadpad dito."

"Masyado akong naguguluhan sa ibang bagay sa mundong ito. Napakaraming tanong na hindi ko maintindihan at parang napakalabong makita ang kasagutan."

"Minsan, hindi mo makikita sa libro ang lahat ng nais mong malaman at matutunan. Nasa sarili mo na kung papaano o aalamin at sasagutin ang katanungan sa isipan mo. Experience is the best teacher."

Bakit pakiramdam ko'y napakarami ng nalalaman ng dalagang ito sa harapan ko. Napakabilis din nitong maglipat ng pahina na parang nadaraanan lang ng mata nito ang bawat nakasulat sa manipis na papel ng libro.

"Pare-pareho lang ng laman ang libro. Nasa sa 'yo na kung papaano mo iintindihin ang lahat. Kadalasan, papaikot-ikutin ka lang nito pero wala talaga ro'n ang kasagutan."

"Anong gagawin ko ngayon? Kailangan kong malaman ang kakayahan ng dimentional clock. Kailangan kong ayusin ang oras ng buhay ko." Asik ko.

"Edi hanapin mo ang lagusan patungo sa dimentional clock." I stopped for a minute matapos kong maalala ang portal na dinaanan ng dalawang binata na sinasabing dalawa sa four walls ng ghostdom.

Into your world ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon